Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets
- Published on March 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.
Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng LInggo.
Sa tanong kung ano ang kanilang gagawin kung halimbawa ay hindi gagana ang multilateralism approach sa West Philippine Sea (WPS), binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan para sa “credible defense” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines.
“Iyong military, popondohan ang Armed Forces of the Philippines para magkaroon tayo ng credible defense. ‘Di man mapantayan ang lakas ng ibang bansa, may ilalaban katulad noong sa Ukraine,” ayon kay Robredo.
Sinabi naman ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na maliban sa armas para depensahan ang isang karapatan, kailangan ng bansa na maging bigilante ang mga Filipino laban sa mga mananalakay.
“Nakikita natin na nag-slow down bigla ang pasok ng Russia because of the tenacity …of the people of Ukraine to stand up and fight,” ayon kay Gonzales.
“Dito sa atin, iyan ang dapat nating inuuna bago tayo humanap ng tulong sa mga kapitbahay at ibang bansa. Palakasin muna natin ang character at quality ng ating sambayanan. Kaya I was advocating national mobilization,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, itinutulak naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapatuloy ng dayalogo sa China ukol sa nasabing sea dispute.
“Napakahirap ng sitwasyon kung saan madali tayo susuko. Maraming bagay kung pinagpursigihan lang natin. As long as we continue to insist on things legally, in a peaceful manner, and fair,” ayon kay Moreno.
Sinabi naman ni Robredo, sa Unang Araw niya sa pagka-pangulo kung palalarin ay palalakasin niya ang diplomatic relations sa mga foreign nations.
“Papalakasin natin iyong instrument of national power, meaning diplomacy, papalakasin ang pagkikipagugnayan sa ating mga allies na pareho ng paniniwala sa atin para may kakampi tayo just in case may aggression,” ayon kay Robredo.
“Dapat tayo ang manguna sa national consensus,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “The Philippines should also work toward being economically resilient “so that we are not caught up in predatory practices of foreign powers.” (Daris Jose)
-
Pinsala sa agrikultura dahil kay Goring, umakyat sa P504.4M
UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring. Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 million. […]
-
Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam. Ayon kay De […]
-
SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3
Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway. Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy […]