• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kalaboso sa P137K shabu sa Valenzuela

DALAWANG drug suspects, kabilang ang isa umanong high value target ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Caimito St., Brgy., Bagbaguin matapos natanggap na impormasyon mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta ng shabu ni Jocris Bencion, 33 ng Kabuhayan St. Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makaiskor sa suspek ng P30,000 halaga ng droga at nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu kay Bencion ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nakuha kay Bencion ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000.00, cellphone, at buy bust money na isang tunay na P500 bill, 15 pirasong P500 boodle money at 22 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Samantala, nakuhanan din si John Renz Villamin, 22 ng Block 9, Lot 6, Villa Crystal, Phase 3 Bagumbong, Caloocan City at si Jordan Baesa alyas “John” ng tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PMSg Ricky Labrador at PSSg Rogie Conge sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Cyril Lawrence Tubongbanua na nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Northville 2, Brgy., Bignay alas-3 ng madaling araw nang masita dahil kapwa walang suot na face mask.

 

 

Ani PSSg Carlos Erasquin Jr, mistulang dalag na nagpupumiglas si Villamin na naging dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon ng mga pulis na sinamantala naman ni Baisa at kumaripas ng takbo hanggang sa makatakas. (Richard Mesa)

Other News
  • Universal Pictures Drops The Fall Guy trailer starring Ryan Gosling and Emily Blunt

    BRACE yourselves for full-on action in theaters as Barbie’s Ryan Gosling and Oppenheimer’s Emily Blunt join forces in the upcoming action-comedy The Fall Guy, directed by David Leitch who previously helmed Deadpool 2 and Atomic Blonde.     The jaw-dropping explosive action-comedy movie is a love letter to Hollywood’s stuntmen and its crew who create […]

  • Pangako ni PBBM, paglago ng industriya ng bigas sa Pinas, titiyakin

    TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang paglago ng industriya ng bigas sa Pilipinas.     Bukod dito, sisiguraduuhin din niya na protektado  ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka.     Nauna rito,  ipinresenta ng mga scientists  o siyentipiko mula sa  International Rice Research Institute (IRRI) kay Pangulong Marcos ang “identified genes” para sa […]

  • Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na

    NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.   Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.   Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.   Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.   Sinabi […]