Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa bansa.
“We’re projecting na cases will either continue to decrease, although baka bumagal na ‘yung rate of decrease, or baka mag-plateau na rin siya,” ayon kay David.
“We are actually projecting na it will continue to decrease. Hopefully, down to around 500 cases per day sometimes March, siguro (maybe) by mid-March,” dagdag niya.
Samantala, iginiit ng DOH na na wala pa sa ‘endemic stage’ ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas sa kabila ng paglalagay sa ilang lugar sa Alert Level 1.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa proseso pa lang ang bansa sa pagtransisyon sa ‘new normal’.
Ibaba ang Alert Level 1 sa Metro Manila at iba pang lugar sa Marso 1 hanggang 15. Pero puwede pa itong maiakyat sa oras na tumaas muli ang mga kaso at ang hospital utilization rate.
-
Hindi pa nakakapasok ang UK variant ng COVID-19 sa Metro Manila
Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila. Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na […]
-
Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws
PUNTIRYA ng nagdedepensang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern […]
-
PBBM dinipensahan ang pagbibigay ng zero budget sa Philhealth
DINEPENSAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang hindi pagbibigay ng zero budget sa Philhealth. Sa panayam kay Pang. Marcos sa Malakanyang, kaniyang sinabi na marami kasing reserbang pondo ang Philhealth na nagkakahalaga ng P500 bilyong piso. Ang serbisyo lamang ang kailangang pondohan ng Philhealth sa loob ng isang taon […]