100% WORK CAPACITY, IPATUTUPAD NA SA TANGGAPAN NG BI
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na nagtaas na sila ng 100 percent na kapasidad sa kanilang mga trabaho sa lahat ng kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) simula March 01.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang pagbabago sa kanilang bagong work scheme ay bilang pagtupad sa desisyon ng gobyerno na ibinaba sa Alert 1 ang Covid-19 alert status sa metropolis at 38 na iba pang areas sa buong bansa.
Pero paliwanag ni Morente na pinapairal pa rin ang strict health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing sa lahat ng opisyal at empleyado.
Sinabi rin nito na ang mga bakunado ay maaari nang pumasok sa kanilang mga tanggapan habang ang mga hindi bakunado o partially vaccinated ay kinakailangan pa ring kumuha ng online appointment system.
Ang working hours ay mula alas-7:00 ng umaga hangang 5:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes bukod kung holidays.
Habang ang kanilang ibang tanggapan kung saan nasa ibang alert status, mananatili silang susunod sa kasalukuyang on-site work capacities.
Sa isang hiwalay na memorandum sa mga empleyado, hindi na rin sila magpapatupad ng work-from-home para sa kanilang mga empleyado at oobligahin na silang mag-report sa trabaho, anuman ang kanilang edad o comorbidities.
“As we transition to the new normal, the public can be assured that the services of the BI will remain unhampered,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)
-
Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na
Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies. Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million. Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy. […]
-
Constantino at Go fight na fight
KUNG ang Thailand Ladies Professional Golf Association Qualifying School first round lang ang batayan, hinog na nga si Lois Kaye Go para umakyat sa pro. Kumakasa silang dalawa ni ICTSI (International Container Tereminal Services, Inc.) 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg winner Harmie Nicole Constantino sa mga binirang three-under 69 para humanay sa […]
-
Suspek sa pagpatay sa binatang magaling sa bilyar, timbog
NASAKOTE ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos na magaling sa larong bilyar habang nakikipag-inuman sa kanyang mga ka-tropa sa Malabon City. Bukod kay alyas “Raffy”, 43, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon, binitbit din nina P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, ang kanyang kainuman na […]