Sigaw ng mga fans ibalik si Baldwin!
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
GUSTO ng mga fans na ibalik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Sa laban ng Gilas Pilipinas at New Zealand noong Linggo sa FIBA World Cup Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum, ilang fans ang sumigaw para ibalik si Baldwin.
Mayroong sumigaw ng “we want Baldwin” habang ang ilan naman ay humihiyaw ng “ibalik si Baldwin.”
Matatandaang nagbitiw si Baldwin bilang program director ng SBP kung saan idinahilan nito na nais nitong ituon ang kanyang pansin sa paghahanda ng Ateneo Blue Eagles sa nalalapit na pagbubukas ng UAAP Season 84.
Kaya naman itinalaga ng SBP si Chot Reyes bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Sa pagbabalik ni Reyes sa Gilas, nagtala ito ng 1-1 rekord.
Naipanalo ng Gilas ang laro nito laban sa India ngunit yumuko ang Pinoy squad sa New Zealand sa kanilang sumunod na laro.
Inihayag ni SBP president Al Panlilio kamakailan na makikipag-usap ito kay Baldwin matapos ang hosting ng FIBA World Cup Qualifiers.
Wala pang linaw kung ano ang magiging teksto ng pag-uusap at kung kailan magaganap ang meeting.
-
Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel
KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19. Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute. Tinatayang nasa, […]
-
17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela
MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa […]
-
‘Tiger,’ ‘Euphoria,’ and Kids Shows from WarnerMedia this 2021
THIS January, WarnerMedia offers exciting entertainment with movies and kids shows that will fit all interests and ages. Tiger (HBO and HBO GO): Explore the rise, the fall, and the return of Tiger Woods in the latest two-part HBO documentary, Tiger, premiering today January 11, Monday, at 10:00am only on HBO GO and HBO. […]