• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-trabaho na after almost four years: MARIAN, in-announce na malapit nang mag-taping sa sitcom nila ni DINGDONG

AFTER almost four years, ready na muling bumalik sa trabaho si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 

 

 

Nauna rito iyong hindi muna siya tumanggap ng work after giving birth to their second child ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, si Jose Sixto IV.

 

 

At nang pwede na sana siyang mag-work, saka naman natin naranasan ang pandemic at kung may offer man sa kanya, hindi niya matanggap dahil kailangang mag-lock in taping at hindi  niya kayang iwanan si Zia na naka-online class at si Sixto naman ay bini-breast feed pa niya.

 

 

Hindi naman nawawalan ng mga endorsements si Marian, at sunud-sunod pa rin ang mga offers sa kanya.  Work from home din siya sa pagpapatuloy niyang mag-tape ng mga spiels ng Saturday drama anthology na siya ang host, ang Tadhana.

 

 

Masaya nga silang mag-anak kapag may taping siya dahil sa bahay nila ginagawa at si Dingdong ang nagdidirek, at kasama pa nila si Zia na minsan ay nagiging clapper girl at si Sixto naman ay natutuwang tinuturuan siya ng ama kung paano tumingin sa kamera.

 

 

Last Monday, February 28, nagkaroon na ng face-to-face contract signing si Marian as the first and only face of Kamiseta Skin Clinic ni Ms. Cris Roque, since nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region.

 

 

Doon, nag-announce na si Marian na may comedy show silang gagawin ni Dingdong sa GMA Network.

 

 

    “Any moment ay magsisimula na kaming mag-taping,” kuwento ni Marian.

 

 

“Tapos na ang script, finalizing na lamang ang bubuo sa cast, magkakaroon na kami ng script reading, then tuloy na sa taping.”

 

 

Nilinaw din ni Marian na hindi totoong magtatambal sila ni new Kapuso actor John Lloyd Cruz sa isang teleserye sa GMA, tulad nang unang nasulat.

(NORA V. CALDERON)           

Other News
  • Mahigit 34-K na pamilya apektado pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro

    MAYROONG  34,553 na pamilya mula Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong ding 13,654 na mga pangkabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng oil spill. Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang ginagawang pagtutulungan ng mga iba’t ibang […]

  • DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

    NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .   Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.   Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]

  • 13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM

    IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay. Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin sa listahan ang bagong apat na miyembro ng Bases […]