• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes, nasa ‘Young Shapers of the Future’ ng Britannica

NAPABILANG sa listahan ng Young Shapers of the Future 2022 ng Britannica ang isang Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes gamit ang prutas na aratiles.

 

 

Sa panayam  kay Maria Isabel Layson, 18-anyos na kumukuha ng kursong BS Chemistry sa University of the Philippines-Visayas, sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan na kinilala ang kanyang pananaliksik na layuning makahanap ng iba pang gamot laban sa diabetes.

 

 

Ayon kay Layson, sinimulan niya ang pananaliksik sa aratiles noong nag-aaral pa sa Iloilo National High School-Special Science Class program.

 

 

Ipinagpatuloy niya ito sa Food and Nutrition Research Institute laboratory sa Manila at nadiskubre ang antioxidant compounds na maaaring gamot sa nabanggit na sakit.

 

 

Noong May 2019, ikinatawan niya ang bansa sa Intel International Science and Engineering Fair sa Phoenix, Arizona, kung saan ipinresenta nito ang nasabing pag-aaral.

 

 

Sa pareho ring taon, nanalo siya ng Best Individual Research in Life Science sa National Science and Technology Fair ng Department of Education.

 

 

Napag-alaman na inspirasyon ni Layson sa kanyang pananaliksik ay ang lolo nito na namatay dahil sa diabetes kung kaya hindi na niya ito nasilayan.

Other News
  • Opisyal ng MSU nagpasaklolo sa Supreme Court

    NAGPASAKLOLO sa Supreme Court ang mga opisyal ng Mindanao State University matapos silang utusan ng Legal Education Board na itigil na ang kanilang College of Law .     Sa kanilang petisyon, hirit ng nasabing unibersidad sa Korte na maglabas ng Temporary Restraining Order at permanent injunction .   Sinabi ng mga opisyal ng unibersidad […]

  • Kahit nakikipaglaban sa Alzheimer’s disease at PCA (Posterior Cortical Atrophy): MAUREEN McGOVERN, patuloy na aawit at gagawa ng songs para sa mga bata

    NAGKAKASUNDO sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista ‘pag dating sa pag-customize ng kanilang luxury bags tulad ng Hermes na nagkakahalaga ng milyones.   Kelan lang ay nagpasalamat si Jinkee kay Heart dahil sa pagpinta ni Heart ng magandang artwork nito sa kanyang Hermes Rose Sakura Herbag.   “Thank you dear @iamhearte” caption ni Jinkee sa […]

  • Inaming magkapangalan sana sila ng Megastar: JANICE, hiyang-hiya kay SHARON nang mag-apologize dahil kay GABBY

    SA latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice de Belen ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta sa national television at ang pagso-sorry ni Gabby Concepcion nang muli silang magkatambal sa pelikula.     Ayon kay Janice, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon si […]