• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paat, Dindin bida sa Nakhon Ratchasima

MAGARBONG  tinapos ng Nakhon Ratchasima ang eliminasyon matapos ilampaso ang Khonkaen Star, 25-23, 25-17, 25-18, sa 2021-22 Thailand Volleyball League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

 

 

Muling umariba sina national mainstays Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat upang pamunuan ang Nakhon Ratchasima sa panalo.

 

 

Nagpakawala sina Santiago-Manabat at Paat ng kaliwa’t kanang atake sa buong panahon ng laro para basagin ang depensa ng Khonkaen Star.

 

 

Dahil sa panalo, nakuha ng Nakhon Ratchasima ang No. 3 seed sa crossover semifinals.

 

 

Makakaharap ng Nakhon Ratchasima ang No. 2 seed sa Final Four habang magtutuos naman ang No. 1 at No. 4 sa hiwalay na semis match.

 

 

Matapos ang kampan­ya sa Thailand, babalik agad sa Pilipinas sina Santiago-Manabat at Paat para naman samahan ang Chery Tiggo sa pagdepensa nito ng Open Conference crown sa Premier Volleyball League.

Other News
  • 4 barangay sa Irosin, Sorsogon, apektado na ng ashfall mula sa bulkang Bulusan

    NASA apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 Linggo ng umaga.     Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo.   […]

  • ALDEN at JOHN LLOYD, parehong wini-wish na magkasama sa isang project; DENNIS, willing maging kontrabida ng bagong Kapuso

    MUKHANG wala pa ring balak si Kapuso actress LJ Reyes na bumalik ng Pilipinas, lalo pa at mukhang nagagamay na ang mga kasama niyang anak na sina Aki at Summer.     Sinubukan siyang kausapin noon ng father ni Aki (Paulo Avelino) na kung uuwi sila ng bansa, pwedeng mag-stay sa kanilang bahay sa Baguio […]

  • Ads May 3, 2023