• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-grant ang request na makipag-divorce kay KANYE WEST: Reality TV star na si KIM KARDASHIAN, officially single na

WALA pa raw sa isipan ni Rhian Ramos ang magpakasal kahit na marami na sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, ay mga nag-asawa na at may mga sarili ng pamilya.

 

 

Sey ng bida ng Artikulo 247, na marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve kaya never daw naging priority ang mag-settle down. Ang ideal marrying age daw niya ay 35.

 

 

“Some people think that’s late, some think that’s perfect and that’s normal. For me, ang dami ko pang gustong gawin and ma-achieve on my own kaya siguro never ko siya naging priority or dream,” sey ng 31-year old Kapuso star.

 

 

Minsan daw ay iniisip din niya kung meron bang lalake na magpo-propose sa kanya someday? Kung mangyari man iyon o hindi, tanggap daw iyon ng aktres.

 

 

“I’d be grateful for something like that to happen kung ‘yon yung gusto ni God para sa’kin, but whether or not it happens is also okay lang with me. Tuloy lang ang buhay, ‘di ba?” diin ni Rhian.

 

 

Two years na raw ang nakaraan noong makipaghiwalay si Rhian sa dating boyfriend na si Amit Borsok. Nangyari raw iyon during the pandemic. Kaya nasanay na raw na maging single ang aktres dahil maging abala siya sa lock-on taping ng Artikulo 247.

 

 

Pero ang balitang nali-link si Rhian sa businessman na si Sam Verzosa ay wala pang kumpirmasyon mula sa aktres.

 

 

***

 

 

OFFICIALLY single na ang reality TV star na si Kim Kardashian.

 

 

Ayon sa report ng TMZ, na-grant na ng Los Angeles Superior Court judge ang request to end her marriage to Kanye West.

 

 

“Kim was on a video call for Wednesday’s (March 2) court hearing. Her lawyer, Laura Wasser was in court and Kanye was absent. Kanye’s lawyer did not object to restoring Kim’s single status, although his lawyer said he had 3 conditions.

 

 

Number one, any right to get reimbursement of money that’s supposed to be divided up will be preserved in case either of them dies—the judge granted that condition.

 

 

There were 2 other conditions the judge rejected: That Kim would not transfer any assets she had in trust, and if Kim remarries she would waive the “marital privilege. That privilege means a new spouse would not have to testify about communications he had with her. The judge said no to that.”

 

 

Sinagot ni Kim ang ilang katanungan tulad ng “Are there problems in your relationship?” and “Do you think your marriage can be saved with counseling?”

 

 

Kim answered “yes” to the first and “no” to the other.

 

 

Kinasal sina Kim and Kanye noong May 14, 2014 at Forte di Belvedere in Florence, Italy. They have four kids: North (8), Saint (6), Chicago (4), and Psalm (2).

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Livelihood program ng OVP, nakatulong sa mahigit sa 7K kababaihan, LGBTQIA+ members

      UMABOT na sa 7,561 kababaihan at mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual (LGBTQIA+) community sa bansa ang natulungan ng MagNegosyo Ta ‘Day program ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon.   “Umabot na sa 7,561 ang naging benepisyaryo kung saan ang bawat grupo ay makakatanggap ng P150,000 at […]

  • PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.   Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, […]

  • Nagpapasalamat sa effort ni Angeline na dumalaw: KRIS, nakikipaglaban pa rin kaya ‘di priority ang lovelife

    NAGPAPASALAMAT nang labis-labis si Queen of All Media Kris Aquino sa naging sa effort ni Angeline Quinto na dumalaw sa kanyang bahay sa Amerika, katulad ng ginawa kamakailan ng anak-anak na si Kim Chiu.     Sa Instagram post ni Kris, kasama ang video na mapapanood si Angeline na kinantang muli ang theme song ng […]