• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA

HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa mga pililng lugar sa bansa.

 

 

Batay kasi sa datos, nasa 367, 535 lamang ang bilang ng mga naitalang sasakyan ang dumaan sa EDSA noong March 1, mas mababa kumpara sa dating 372,528 na mga sasakyang naitala noong nasa Alert Level 2 pa ang Metro Manila.

 

 

Nakapagtala rin ng parehong bilis ng mga sasakyan ang MMDA na 21 kilometro kada oras sa parehong ALert Level 1 at Alert Level 2.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Artes na magpapatuloy ang monitoring ng ahensya sa daily vehicle volume sa kahabaan ng ng EDSA upang malaman kung dapat na bang pairalin ang expansion ng number coding scheme dito.

 

 

Bukod dito ay inoobserbahan din ng MMDA ang traffic congestion sa nasabing kalsada na kadalasang nagaganap mula 7am hanggang 9am at mula 5pm hanggang 8pm.

 

 

Sa ngayon ay ipinapatupad ang number coding scheme tuwing weekdays mula 5pm hanggang 8pm, maliban nalang tuwing holidays.

 

 

Exempted naman mula sa naturang patakaran ang lahat ng mga pampublikong sasakyan tulad ng mga public bus at jeep.

 

 

Ipinagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck sa EDSA, maliban na lamang kung essential goods ang dala dala nito.

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay ipinahayag ng MMDA na pinag-aaralan nito ngayon ang pagbabalik ng number coding sa morning rush hour.

Other News
  • ‘Prolonged’ COVID-19 wave sa PH, posibleng magtagal pa hanggang ‘ber’ months – OCTA

    Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang kasalukuyang wave ay mas matagal kesa sa inaasahan kung ihahalintulad sa tumamang Omicron BA.4 sa South Africa na nagtagal lamang ng dalawang buwan.     Paliwanag ni Dr. David, nagsimula na umanong maranasan ang COVID-19 wave noong Hunyo kung kaya’t inaasahan na huhupa na ito ngayong buwan […]

  • FIFA Trivia: 8 bansa lamang ang nagkampeon sa World Cup

    MULA nang magsimula ang unang torneo ng FIFA World Cup noong 1930 ay mayroong walong bansa lamang ang nagkampeon.     Pinangungunahan ito ng Brazil na mayroog limang championship, na sinundan ng Italy at Germany na kapwa mayroong tig apat na kampeonato.     Habang mayroong tig dalawang world cump titles ang Uruguay, Argentina at […]

  • KYLIE, masasabing ‘at peace’ at genuinely happy’ after makipaghiwalay kay ALJUR

    SA wakas at masasabi na ni Kylie Padilla na she is “at peace” at “genuinely happy” na siya matapos ang pakikipaghiwalay niya sa mister na si Aljur Abrenica.     Sa recent interview ni Kylie, malutong ang mga tawa nito at halatang magaan na ang pakiramdam nito kumpara sa mga nauna niyang panayam na may […]