• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Marso

MAGPAPATUPAD din ng taas singil sa kuryente ang   Manila Electric Company (Meralco)  ngayong buwan ng Marso.

 

 

Batay sa paabiso ng Meralco, nabatid na aabot sa P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing.

 

 

Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas dapat na P0.80- P0.90/kwh.

 

 

Anang Meralco, ang taas-singil ay katumbas ng P13 taas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan habang P19 naman para sa mga tahanang naka­kagamit ng 300 kwh monthly.

 

 

Nasa P25 naman ang dagdag sa bayarin sa kur­yente na may konsumong 400 kwh kada buwan, at P31 sa konsumong 500 kwh.

 

 

Nabatid na dag­dag-singil ng Meralco ay bunsod nang pagsipa ng presyo ng coal at langis sa merkado. (Daris Jose)

Other News
  • Sino pa kaya ang gay celebrities ang lalantad?: RAYMOND, inamin na may boyfriend na at walang dapat itago

    SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila.       Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend.       “What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to […]

  • Kevin Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” premieres in PH cinemas on June 28

    KEVIN Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” opens in Philippine cinemas on June 28, 2024, the same day as its global release.      Kevin Costner returns to the director’s chair with “Horizon: An American Saga,” a four-part epic Western featuring a star-studded cast including Costner himself, Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, and Luke […]

  • GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY

    PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang […]