• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa

Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.

 

 

Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.

 

 

Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Sa ngayon ay naghihintay pa ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO) ang pamahalaan hinggil dito.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na katangian ang deltacron kung kaya’t hindi pa malaman kung mabilis itong makakahawa.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan bilang paghahanda at upang mapigilan ang posibleng pagpasok nito sa Pilipinas.

Other News
  • PNP diplomatic channel sisilipin sa umano’y paggamit ni Garma sa pagpapadala ng milyon sa ex-hubby sa US

    SISILIPIN ng House quad committee ang paggamit umano ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa diplomatic channel ng Philippine National Police (PNP) upang makapagpadala ng milyong halaga sa kanyang dating mister na dati ay nakatalaga sa Estados Unidos.     Nananatili pa ring palaisipan sa quad comm kung bakit magpapadala […]

  • 92 milyong balota para sa BSKE, tapos na

    NATAPOS nang iimprenta ng National Printing Office (NPO) ang higit sa 92 milyong balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).       Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kabuuang 92,054,974 opisyal na balota ang gagamitin sa halalan.       Itinurn-over na ng NPO sa Comelec nitong […]

  • Mabuhay kayo Arbilon, Mayor Goma!

    DINISPATSA ni Princess Honey Arbilon ng Pilipinas si Maryia Gnedtchik ng Belarus, 4-1, para maikuwintas ang bronze medal sa katatapos na 1st Union Internationale de Pentathlon Moderne (UIPM) World Laser All-Stars.   Nilansihan ang 18-anyos na Pinay buhat sa Ormoc City ni Darcy Dryden ng Britain, 2-4, sa semifinals ng Under-22 online tournament na nilahukan […]