Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan
- Published on March 14, 2022
- by @peoplesbalita
NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, 44, welder na naging dahilan upang ipaalam sa Caloocan Police Sub-Station 5.
Kaagad na rumesponde sa naturang lugar ang team ng Caloocan Police Station Explosive and Canine Unit (SECU) sa pangunguna ni PLT Leo Limbaga, kasam sina PSSg Rowell Aguiling at PSSg Jojo Basquinas, kapwa EOD technician.
Para ma-secure ang lugar, kinordunan ito nina PSSg Aguiling at PSSg Basquinas saka pinayuhan ang karamihan na maghanap ng ligtas na lugar bago sinuri ang status ng naturang UXO at isinagawa ang render safety procedure sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Carry away) kung saan narekober ang kinakalawang na tatlong unexploded ordnance at apat exploded ordnance.
Ani PLT Limbaga, ang naturang unexploded ordnance ay considered na lubhang mapanganib kung saan dinala ito sa SECU-Caloocan police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation.
Kamakailan, may nadiskubre din na hinihinalang vintage bomb sa isang sa excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Brittney Griner nakabalik na sa US matapos mapalaya
Nakabalik na sa US si WNBA star Brittney Griner matapos na siya ay palayain dahil sa pagkakakulong sa Russia. Dumiretso agad ito sa San Antonio,Texas para sumailalim sa ilang medical test. Napalaya si Griner matapos ang ginanap na prisoner swap kapalit ni Russian arms dealer na si Viktor Bout. […]
-
Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships
NAGPAPARAMDAM na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England. Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event. […]
-
TAYLOR SWIFT, nagwagi ng Album of the Year sa ‘63rd Grammy Awards’; BEYONCE, naka-break ng record
GINANAP na ang 63rd Grammy Awards sa Los Angeles as hosted by Trevor Noah. Sa Los Angeles Convention Center ang naging venue ng awards night. At dahil sa COVID-19 pandemic, walang audience ang Grammy at ang pinadalo lang ay ang mga performers, nominees and presenters. Mga nag-perform ay sina Bad Bunny, […]