LTFRB: 69,000 PUVs handa ng magsakay ng mga commuters
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na may 69,000 na public utility vehicles ang magiging available upang magsakay ng mga commuters kahit na may concerns tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng one-meter distancing policy sa mass transportation.
Sa isang statement sinabi ng LTFRB na patuloy pa rin silang magbubukas ng public transportation routes upang magbigay ng serbisyo sa publiko sa panahon ng COVID-19.
Sa datus ng LTFRB, may 378 routes ang may serbisyo na ng iba’t ibang transport modes sa Metro Manila pa lamang. Ito ay ang 3,854 public utility buses, 386 point-to-point buses, at kasama rin ang 1,905 na UV Express Service units na may kabuong 127 routes.
“We are still going to clarify with the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Diseases if the current 50 percent reduced allowed capacity of public buses will be maintained or be replaced with the one-meter-distance policy,” wika ni transportation assistant secretary Goddes Libiran.
Sinabi Libiran na kung mahigpit talagang ipatutupad ang one- meter distance sa mga buses, ibig sabihin nito ay mababawasan ang allowed capacity ng mas mababa pa sa 50 percent.
Dati pa gusto ng Department of Transportation (DOTr) an bawasan ang physical distancing sa mga PUVs ng 0.75 meter subalit hindi pumayag ang ibang sectors dahil ayon sa kanila hindi ito effective sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19.
Ang ibang medical experts at kahit na ang pinuno ng Department of Health (DOH) ay mas gusting manatili ang one-meter distance na siyang recommended ng World Health Organization. (LASACMAR)
-
TNT isang panalo na lamang para makapasok sa semis matapos talunin ang NLEX 109-91
ISANG panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup. Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX 109-91 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa lungsod ng Antipolo. Bumida sa panalo ng TNT si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 27 points at 12 […]
-
Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos
HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito. Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Senate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa […]
-
Final 12 ng Gilas Pilipinas na haharap sa New Zealand iaanunsiyo
ILALABAS na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang final 12 na mga manlalaro na isasabak sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2023 qualifiers. Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nitong Martes ay nagkaroon ng exhibition game ang Gilas mula sa isang koponan sa PBA na ginanap sa kanilang training academy sa […]