• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.

 

 

“At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined some moves that we can make immediately,” ayon kay Lopez.

 

 

Nauna nang pinalutang ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda ang ideya na ito dahil sa krisis sa langis na resulta ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ani Salceda, ang hakbang na isulong ang pagdedeklara ng state of economic emergency ay naglalayong payagan ang pamahalaan na kaagad na gamitin ang calamity funds at tulungan na mapagaan ang financial suffering ng mga Filipino.

 

 

Gayunman, sinabi ni Lopez na nagkaroon ng pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para i-identify ang economic measures na kailangan para “facilitate the buildup of supply of these basic commodities” gaya ng pagkain, langis at suplay ng uling.

 

 

“We’re promoting local productions, particularly agriculture products, making sure LGUs (local government units) can build up their stocks and they can buy directly from farmers, producers,” ayon kay Lopez.

 

 

“One of our proposals na in-outline to President Duterte ay ang paggamit ng Strategic Investment Priority Plan, wherein agriculture technology, renewable energy, all these sectors will be promoted as we invite more investors in the country. Ibig sabihin may tax support, fiscal incentive support ‘yung mga areas na ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ukol naman sa sinabi ng mga consumers na inaasahan na nila na ang oil price increases na liligwak sa merkado, sinabi ni Lopez na hindi naman niya nakikita ang agarang epekto nito sa mga pangunahing bilihin.

 

 

“Sa production, hindi pa kaagad ‘yung impact niyan. Kapag tumagal ito [Russia-Ukraine war], talagang tatama ‘yan sa costing ng ating mga bilihin,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, tiniyak naman nito sa publiko na mino-monitor ng DTI ang kahilingan ng mga manufacturers na price adjustments.

 

 

Sa ngayon, isa pa lamang ang natanggap ng departamento na request at ito’y mula sa Canned Sardines Association of the Philippines.

 

 

“From our end, we also take the view of consumers also. Ite-temper natin ‘yung price requests,” aniya pa rin.

 

 

Nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority na ang agarang solusyon ng pamahalaan na maaaring gawin nito ay ang ilagay ang buong bansa sa “most relaxed COVID-19 alert level.” (Daris Jose)

Other News
  • JANINE, umaming may experience na sa ‘online landian’; Direk JP, may paliwanag sa ending ng ‘Dito at Doon’

    NGAYONG na-extend na naman ECQ (enhanced community quarantine) marami na naman ang hindi makalabas ng bahay kaya isa sa paboritong gawing pampalipas ng oras at bugnot ay ang manood ng series o movies sa iba’t-ibang online platform.     At isa nga sa ire-recomend namin ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na kasalukuyang […]

  • Pilot implementation ng GCQ with Granular Lockdown sa NCR ipinagpaliban ng IATF

    Nagdesisyon ngayon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipagpaliban muna ng pilot implementation ng General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System sa National Capital Region (NCR) na simula sana bukas, Setyembre 8.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili ang kasalukuyang risk classification ng Metro Manila na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) […]

  • Ads November 19, 2020