• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinababawasan sa PAGCOR ang oras ng operasyon ng E- sabong

PINABABAWASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang oras ng operasyon ng E-sabong.

 

 

Para sa Chief Executive, hindi dapat tumakbo ng 24 oras ang operasyon ng E-sabong.

 

 

Hindi naman nabanggit ni Pangulong Duterte  kung ilang oras lamang ang dapat na maging operasyon ng nasabing on-line gaming pero ang tugon naman ng PAGCOR dito ay nakahanda silang tumalima sa gusto ng Punong Ehekutibo.

 

 

Hinggil naman sa operasyon ng nasabing on line gaming, inamin naman ng Pangulo na hindi siya naging padalos dalos sa pagpapasya kung isususpinde ito dahil kailangan din naman ng pamahalaan ng pera.

 

 

Kapos aniya ang pera ng gobyerno at sadyang kailangang may mapagkunang dagdag pondo ang pamahalaan.

 

 

Kung tutuusin ayon sa Pangulo ay ayaw niya talaga ng sugal subalit kailangang humanap ng resources ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated laban sa COVID-19, para sa kabutihan ng lahat- Nograles

    PARA sa kabutihan ng lahat ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagbawalan ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19 na gumala-gala at makikita sa mga pampublikong lugar.     Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung ano ang […]

  • PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar

    DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA)  na nakaapekto sa Northern Samar.     Nauna rito, nakatakda sanang  lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng […]

  • Gladys, kinabog ang magpinsang Kylie at Bela: ROMNICK at ELIJAH, parehong pinarangalan at naghakot ng awards ang ‘About Us But Not About Us’

    TULAD ng inaasahan humakot ng 10 awards ang pinupuring psychological drama na “About Us But Not About Us” sa Gabi ng Parangal ng first-ever Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na ginanap noong April 11 sa New Frontier Theater.     Ang pelikulang pinagbidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta ang tinanghal na Best Picture, […]