P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya.
Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises.
Sinusuportahan ng state lender ang nasa kabuuang 687 borrowers na binubuo ng 462 micro , small at medium enterprises, 115 kooperatiba , 105 malalaking negosyo at 5 micro-finace institutions.
Sa ilalim ng naturang programa, maaring makapag-loan ang mga kwalipikadong borrowers ng hanggang 85% ng kanilang emergency o permanent working capital requirements na may abot kayang interest rate na 5% kada taon sa loob ng tatlong taonnna maaaring bayaran ng hanggang 10 taon at may maxmum 2 years na grace period para sa paunang bayad.
Sa naturang programa, mayroon ding ibinibigay na sub-credit facility para sa mga MSMEs at kooperatiba gayundin para sa mga self-employed na indibidwal na nakarehistro sa DTI ar sa Securities and Exchange Commission (SEC) na lubhang apektado ng pandemiya.
Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na batid nila ang mahalagang kontribusyon ng local businesses para mapabilis ang economic recovery ng bansa kayat patuloy aniya ang kanilang pagbibigay ng napapanahon at accessible na credit assistance para sa kanilang pangangailangang pinansyal sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Maaaring makapag-avail sa naturang programa ng LandBank na magtatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
-
Alfred Vargas’ ‘Tagpuan’, Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura Int’l Film Festival
TAGPUAN was declared as the Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura International Film Festival in India last February 3, 2021. As one of the official entries at the 46th Metro Manila Film Festival last December, the film got 11 nominations and 2 awards, 3rd Best Picture and Best Supporting Actress for […]
-
Tansingco, hinikayat na magsumbong sa service caravan
HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga residente sa Iloilo at kalapit na lugar na isumbong ang mga illegal na dayuhan sa kanilang intelligence team. Sinabi ito ni Tansingco sa kanilang service caravan sa kanilang Mindanao leg para sa kanilang “Bagong Immigration” caravan. “We are serious in […]
-
Ads September 25, 2024