Ukrainian refugees na umalis na sa bansa, papalo na sa 3-M
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
PAPALO na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Ukrainian refugee na umalis sa kanilang bansa, sa loob ng tatlong linggong pakikipagdigma ng Ukrain dahil sa pagsalakay ng Russia.
Sa datos ng UN Refugee Agency (UNHCR), nasa 2.97 milyon na mga tao na ang nakakalikas mula sa Ukraine at sinasabing posible pang tumaas ang bilang na ito.
Mahigit kalahati o nasa 1.8 million sa mga ito ay kasalukuyang nasa Poland habang ang iba naman ay nasa mga bansang nasa hangganan din ng Ukraine tulad ng Slovakia, Hungary, Romania, at Moldova.
Dagdag ng UNHCR, nagsisimula nang lumipat patungong kanluran ang malakin bahagi ng mga refugee na may kabuuang 300,000 na bilang ng mga indibidwal na napunta naman sa Western Europe.
-
PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER
NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon. Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal […]
-
30-minutong ‘heat stroke break’ ipapatupad ng MMDA
MAGPAPATUPAD ng ‘heat stroke break’ na tatagal ng 30-minuto ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang mga tauhan sa kalsada upang makapagpalamig at makaiwas sa posibleng heat stroke. Pinirmahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang isang memorandum circular upang muling ipatupad ang heat stroke break para protektahan ang […]
-
Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 . “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]