• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo

INAASAHANG  bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

 

 

“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” ani  DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

 

 

“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions” dagdag pa ni Tutay.

 

 

Ang Labor unions alliance Unity for Wage Increase Now! ay nagsagawa ng rally sa National Capital Region Wage Board office upang igiit ang pag-apruba sa kanilang petisyon na maitaas sa P750 ang minimum wage.

 

 

Samantala, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay umapela ng karagdagang P470 kada araw sa minimum wage sa NCR upang umabot ito sa P1,007.

 

 

Una nang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na repasuhin ang minimum wages sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Bello na hindi sasapat ang P537 daily minimum wage sa NCR para sa mga gastusin sa pagkain, at bayarin sa kuryente at tubig.

 

 

Suportado naman ng Malakanyang ang naging pasiya ni Bello na repasuhin ang minimum wage.

Other News
  • Kerwin ibinunyag si ex-PNP chief Bato ang nag-‘pressure’ para idiin si De Lima, Lim sa illegal drug trade

    IBINUNYAG ng umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin”Espinosa na prinessure umano siya ni noon ay Philippine National Police chief, at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, noong 2016 na aminin na sangkot ito sa illegal drug trade at isangkot ang ilang high-profile individuals, kabilang na sina dating Senador Leila de Lima at businessman […]

  • Olympian boxer Hergie Bacyadan at ilang pambato ng bansa humakot ng medalya sa Asian Kickboxing Championships

    NAGWAGI ng gintong medalya sa Asian Kickboxing Championships 2024 si Paris Olympic boxer Hergie Bacyadan.     Nanguna si Bacyadan sa female K1- 75 kgs. category sa torneo na ginanap sa Cambodia.     Hindi na bago sa iba’t-ibang combat sports si Bacyadan dahil sa naging world champion na ito sa vovinam noong 2023 at […]

  • PBA legend Robert Jaworski patuloy ang paggaling

    Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni PBA legend Robert “Sonny” Jaworski matapos na dapuan ng pneumonia noong nakaraang taon.     Sinabi ng kaniyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr., nagkaroon ng rare blood disorder ang ama na nagdulot ng paglutang ng iba niyang sakit.     Dagdag pa nito, maganda na rin ang lagay […]