Magpapainit ngayong Summer dahil sa sexy photos… JERIC, mas inspired ngayon sa career dahil kay RABIYA
- Published on March 21, 2022
- by @peoplesbalita
AMINADO ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na sobrang ini-enjoy ni Elijah Alejo ang kanyang pagiging kontrabida nito sa kanila.
Kahit na raw tatlo sila na pinagtutulungan ang character ni Elijah na si Brianna, kayang-kaya raw sila nito at all-out daw kung magkontrabida ito sa kanila.
Sey ng Kapuso teen kontrabida: “Ini-enjoy ko lang po ang role ko. Kasi sabi ni Direk Gina (Alajar), ibigay ko ang lahat as Brianna. Don’t hold back. Kaya iyon po ang ginagawa ko. Lahat ng puwede kong masabi at magawa sa kanila, nagugulat na lang sila. Pero sa totoong buhay po, magkakaibigan po kami. May bonding time kami at hindi nawawala ‘yung kuwentuhan namin. Three months po kaming nag-lock-in taping kaya ang dami naming nalaman pa sa isa’t isa.”
Kaya noong maisip ni Elijah ang gumawa sila ng prank video, tinuloy daw niya ito para may magawa lang silang kakaiba sa set.
“Naisip ko lang po iyon habang nakahiga ako. Kinausap ko si Jillian at si Direk Gina. Pumayag naman po sila. Kaya tinuloy namin kahit kinakabahan kami ni Jillian. Si Jillian pa ang nagsabi na paiyakin ko siya. Si Direk Gina naman ang nag-suggest na sabihin ko yung ‘porke’t Jillian Ward ka’ Kaya lahat sa set natulala sa amin kasi biglang nangyari iyon. Pero noong dumating na si Ms. Redgyn (Alba), doon na namin sinabi na prank yun. Nagtawanan na lang po kaming lahat.”
Nagkaisa nga sina Jillian, Sofia at Althea na si Elijah ang pinakabaliw sa kanilang apat sa Prima Donnas.
***
MAS inspired daw ngayon si Jeric Gonzales sa kanyang career dahil sa inspirasyon niya na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
After na gawing Instagram official ang two-month relationship nila, gusto ni Jeric na matanggap siya ng mga sumusuporta kay Rabiya. Hindi rin daw siya makikialam sa mga gagawing trabaho ng girlfriend basta suportahan din daw siya sa mga gagawin niya.
This year ay sunud-sunod kasi ang mga ginagawa ni Jeric. Mag-launch ito ng kanyang single under GMA Music na “Hihintayin Kita”, kasali sa 41st Oporto International Film Festival in Portugal ang pinagbibidahan niyang pelikula na Broken Blooms at nasa cast siya ng inaabangan na primetime teleserye ng GMA na The Start-Up kasama sina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
“Masaya ako na sunud-sunod ang mga ginagawa natin for 2022. Ever since naman, kahit na noong magka-pandemic, hindi naman tumigil ang trabaho. Tuloy lang yung blessings. Kaya lahat ng puwede kong gawin ngayon, binibigay ko ang 100 percent focus at dedication ko.
“Sa personal naman, alam ko namang nandiyan lang si Rabiya. Siya pa ang nagsasabi sa akin na mas galingan ko pa. Gusto kong balansehin lahat, eh. Maging successful sa career at sa lovelife,” ngiti pa niya.
Ngayon at summer na, may mga lalabas din daw na bagong sexy at mapangahas na photos si Jeric para sa ini-endorse na underwear brand.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon
NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits. “Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo. Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat […]
-
MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094
Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”. Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa […]
-
Sa isinusulong na vegetable gardening… Land-use conversion dapat itigil
SA muling pagsusulong ni Senadora Cynthia Villar ng vegetable gardening bilang solusyon sa food crisis, dapat ipatigil ng bagong administrasyon ang conversion ng sakahang lupa sa subdivisions o commercial areas. Ayon sa Anakpawis Party-list at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), karamihan sa mga nasabing lupa ay ginagamit bilang taniman ng bigas tuwing tag-ulan […]