• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs may boses, bida sa UniTeam administration

SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9.

 

 

Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan.

 

 

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sila ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang magsusulong at magtatanggol  sa interes ng mga LGUs dahil sila ay naniniwala at nagtitiwala sa mga lokal na lider.

 

 

“Aasahan ninyo na meron kayong boses sa administrasyon ng UniTeam, magkakaroon ng malakas na boses ang ating local government. Ang UniTeam ang pinaka-magiging champion ng local government kung sakali man at tayo ay maging mapalad (sa darating na halalan),” sabi ni Marcos.

 

 

Dagdag pa niya, sila ni Inday Sara ay naniniwala na ang lokal na pamahalaan ang higit na nakakaalam ng mga tunay na nangyayari sa kanilang mga nasasakupan at ang makakapagbigay ng tamang solusyon dahil na rin sa kanilang mga sariling karanasan bilang mga local executive.

 

 

“Magkakaroon po kayo ng malakas na boses. Dahil kayong mga local chief executives ang nakaka-alam sa tunay na sitwasyon doon sa lugar ninyo,” sabi ni Marcos.

 

 

“Kaya gaya ng sinasabi ko, dapat ipagpantay natin ang relasyon ng local government at national government. Lagi kong sinasabi sa mga congressman, sa mga senador, makinig kayo sa mga local government officials dahil kadalasan sila rin ang nakakaalam ng tamang solusyon sa mga suliranin sa kanilang nasasakupang mga lugar,” wika pa nito.

 

 

Sinisiguro din ni Marcos na magkakaroon ng balanseng ugnayan sa pagitan ng national government at local government.

 

 

“’Pag nagkataon, sa susunod na pamahalaan, sa susunod na administrasyon at tayo po ay maging mapalad ay ‘yun ang aming balak, na masasabi naming pinagpantay namin ang relationship between the national government and the local government dahil malaking-malaki ang tiwala ng grupong UniTeam sa local leaders,” paliwanag niya.

 

 

“Hindi manggagaling sa taas ang utos ng hindi namin nalalaman kung ano ang tunay na sitwasyon. Kailangang magtanong sa local government dahil kayo ang nakakaalam sa sitwasyon sa lugar niyo,” dagdag pa nito.

Other News
  • PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar

    DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA)  na nakaapekto sa Northern Samar.     Nauna rito, nakatakda sanang  lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng […]

  • Posibleng nakabalik na ngayon ng Pilipinas: KRIS, tuloy ang laban sa sakit at bawal sumuko

    ANYTIME today or tomorrow ay nakabalik na ng bansa si Kris Aquino.  Inihayag nga ni Kris na babalik na siya ng Pilipinas, at nagbigay rin ng update sa kanyang health condition.   Makikita sa kanyang Instagram post ang flag ng Amerika, isang emoji ng eroplano, at watawat ng Pilipinas.   May mahabang caption ito ng… […]

  • Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad

    NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon, ay mayroon nang ma-aprubahang Covid19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa […]