• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KARAMBOLA NG 10 SASAKYAN, 1 PATAY, 2 SUGATAN

NASAWI ang isang rider, sugatan ang dalawa pa,  habang sampung sasakyan ang nagkarambola nang  araruhin ng driver ng isang Aluminum truck sa Dasmariñas City, Cavite Martes ng gabi.

 

 

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si  Jonel Dacles y Dariagan, 37 ng Aquamarine St. Saint Mary Homes Las Pinas City dahil sa tinamong pinsala sa ulo habang isinugod naman sa Pagamutan ng Dasmarinas City sina Butz Del Carmen y Arboleda, 34 ng Blk 18 Lot 38 West wood Height Land, Brgy Langkaan 1, City of Dasmarinas Cavite at  Rodelle Terrence Mejia y Manguba, 23 ng  resident of 050 Electrical roads, Brgy 191 Pasay City.

 

 

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng Hino Aluminum Truck na si  Gerald Corimo Y Dalonoy, 26 ng Atis st. Green Field Heights  Brgy. Sampaloc 2, Dasmarinas City Cavite.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni  Corimo ang isang Hino Aluminium Van Truck na may plakang DAT-9634 habang binabagtas ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway sakop ng Brgy San Agustin 2 ng naturang Lungsod patungo sa direksiyon ng Imus subalit bago nakarating sa Daño intersection nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at araruhin ang harapang sasakyan na isang Suzuki swift na may plakang UIN 613 na minamaneho ni Jomar Abad y Geralo, 28,  na nabundol naman ng minamaneho ng huli ang isang motorsiklong Yamaha NMAX na minamaneho ni Butch  Del Carmen y Aborleda, 34,  at isa pang motorsiklong Yamaha NMAX na minamaneho ni Jose daryl Sobretodo y Pahila, 34,  at nabangga naman nito ang isang Honda XRM na minamaneho ni Dacles at isa pang motorsiklong Honda Click na minamaneho ni Mejia at tumbukin naman ang isang Hyundai Accent na may plakang WHO 211 na  minamaneho ni Emmanuel Santos y Manuel, 46 at nabangga naman ang puwitan ng isang Toyota Innova Wagon na minamaneho ni Ritzand Neil Recto y Rodelas, 38.

 

 

Dahil sa insidente, nawalan din ng control sa kanyang manibela ang minamaneho ni Recto at nabangga rin ang puwitan ng isang Fuso Tractor na minamaneho ni Jeffrey Jardin y Concepsion, 42,  at nabangga naman ang kasunuran na isang Toyota Avanza na minamaneho ni Renario  Pagalan y Gudez,54,   at nabangga naman nito ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DVW 898 na minamaneho ni Edwin Cabong y Balbuina, 52.

 

 

Dahil sa insidente, namatay sa pinangyarihan ng insidente si Dacles dahil sa matinding pinsala sa ulo habang isinugod sa Pagamutan ng Dasmarinas City sina Carmen at Mejia  dahil sa tinamong sugat.

 

 

Kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injuries at damaged to Property ang kinakaharap ng suspek dahil sa mga nasirang sasakyan. GENE  ADSUARA

Other News
  • Pagiging kulelat ng Pinas sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking, binigyang katwiran ng Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na ang kakulangan sa country-specific gauge at matinding kahalagahan sa reopening progress ang dahilan kung bakit napaulat na ang Pilipinas ay itinuturing na “worst” o kulelat pagdating sa pandemic resilience sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking.   Tinukoy ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg […]

  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]

  • 10 arestado sa P292K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang halos P.3 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valennzuela police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog ng mga operatiba […]