• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd

MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.

 

 

Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng public elementary at secondary school bilang paghahanda sa susunod na school year.

 

 

Ayon sa ahensiya, ang mga mag-aaral sa Grade 2 hanggang 6,8 hanggang grade 10 at 12 ay maituturing ng pre-registered at hindi na kailangang mag-participate sa early registration.

 

 

Papayagan naman na ang in-person registration ng mga magulang at guardians para sa kanilang mga anak sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2 subalit kailangan pa rin na maobserbahan ang mga health protocols.

 

 

Sa mga lugar naman na nasa striktong alert level 4 at 5 naman, ang registration ay dapat na sa pamamagitan ng text messaging at social media platforms.

 

 

Samantala, hinihikayat naman ang mga private schools na magsagawa ng early registration activities sa parehong panuntunan.

 

 

Magtatapos ang kasalukuyang school year sa June 24.

 

 

Hindi pa naglalabas sa ngayon ang DepEd sa petsa ng simula ng SY 2022-2023.

 

 

Sa kasalukuyang school year nasa mahigit 27.2 million mag-aaral ang nag-enroll sa basic education. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DILG nagbabala sa LGUs vs scam sa paglalabas ng pondo

    Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) laban sa scammers na nagpapakilalang DILG officials upang makapangulimbat ng pera.   Sa press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na may mga grupong humihingi ng pera sa mga lokal na opisyal at ipinadedeposit sa kanilang account. […]

  • Pacers inaasahang mas magiging agresibo, makaraang mabaon sa 2-0 lead ng Knicks

    Inaasahang mas magiging agresibo sa susunod na paghaharap ang Indiana Pacers kontra sa New York Knicks. Nabaon pa kasi sa 2-0 lead ng NBA Eastern Conference semifinals ang Indiana. Sa third quarter ipinakita ng Knicks ang kanilang lakas. Nagbuhos pa ng puwersa sa huling bahagi si Jalen Brunson para sa NYK. Nagtapos ang laban sa […]

  • Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha

    IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema.     Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]