P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo.
Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang sentimyento ni Finance Secretary Carlos Dominguz III na siyang nagunguna sa paglalaan ng pananalapi para naturang programa dahil maaaring magkaroon ng problema sa pondo sa anim na buwan kung ipagpapatuloy ang pamamahagi ng P500 buwanang unconditional cash aid.
Kukunin aniya ang P500 na ibibigay sa loob ng tatlong buwan mula sa excess revenue na nakolekta ng DOF.
Ayon kay Canda, nakatakdang makatanggap ng cash aid ang nasa 13 million beneficiaries. Planong simulan ang pamamahagi ng subsidiya sa 4Ps sa susunod na buwan.
Ayon sa DBM, nasa P20 billion ang ilalaan para sa tatlong buwang pamamahagi ng P500 subsidy.
-
Dahil sa severe depression na nauwi sa suicide: Brother ng Filipino-Irish singer-actor na si DARREN CRISS, pumanaw na
CERTIFIED Kapuso na ang The Clash Season 4 grand winner na si Mariane Osabel at ang runner-up na si Vilmark Viray. Pumirma sila ng exclusive contract with GMA Music at ready na silang simulan ang kanilang journey sa kanilang career bilang mga professional singers. Parehong mahilig sumali sa mga singing contest noon sina Mariane […]
-
WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19
Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan. Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay […]
-
Ads September 28, 2024