DICT, nakikipag- ugnayan na sa COMELEC at NBI ukol sa isyu ng security breach sa operasyon ng Smartmatic
- Published on March 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Information and Communications (DICT) sa NBI at COMELEC kaugnay ng usaping security breach sa operasyon ng SMARTmatic na siya pa namang service provider sa sistemang gagamitin para sa May 9 national elections.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DICT secretary Emmanuel Caintic, kung lalabas sa pagsisiyasat na may nag- leak o may natumbok na may kinalaman talaga sa security breach ay kasama sila sa magsasampa ng asunto.
Aniya, inatasan na niya ang National Privacy Commission na ituloy lang gawin ang imbestigasyon sa mga nasasangkot sa isyu ng data breach.
Sisiguraduhin aniya nilang mananagot ang mga dawit sa kontrobersiya na dito ay nabanggit na umano’y sangkot ay ilan sa mga data privacy officer ng smart matic.
Ilang mambabatas gaya ni Senadora Imee Marcos ang una ng iginiit na isang seryosong security breach ang nangyari at nakompromiso na dito ang operasyon ng Smartmatic. (Daris Jose)
-
Nalungkot din sa hiwalayang Kathryn at Daniel: CES, kilalang-kilala si MARTIN kaya confident sa pagkatao nito
NAKASAMANG muli ng beteranang aktres na si Ces Quesada sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘2 Good To Be True’ (2022) ng Kapamilya Channel, kaya nalungkot siya nang mag-break ang magkasintahan. “Uy nalulungkot ako ha,” pahayag ni Ces nang makausap namin sa mediadon ng ‘Padyak Princess’ ng TV5. “Alam mo si Kath at si Daniel nakasama ko ang mga […]
-
Mga tren sa Metro Manila mananatili sa 70% passenger capacity – DOTr
Mananatili sa 70 percent ang pinapahintulutang passenger capacity sa lahat ng mga tren sa Metro Manila kahit pa simula bukas, Enero 3, ay ilalagay na ulit ang National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pa rin naman ang pagpapatupad sa mga health protocols sa […]
-
Ads June 16, 2022