• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit ilang beses na siyang na-bash: CAI, ‘di mapipigilan sa pagdi-display ng ‘plus-size’ na katawan

HINDI mapipigilan si Cai Cortez na maglantad ng kanyang alindog ngayong summer, kesehodang plus-size ang kanyang katawan. 

 

 

Pino-promote ng First Lady actress ang body positivity at sa latest Instagram post niya ay nakasuot siya ng black and white swimwear kunsaan kita ang kanyang voluptuous curves.

 

 

Caption pa niya: “Due to insistent public demand…eto na po ang entry ko. YES WALA PONG RETOUCH! I. AM. SEXY. I am a woman, i am a mother of two, i have flaws and WALAKOMPAKE because i love the body that God has given me @kiwi.poto #plussize #magandaakoperiod #plussizeswimwear #plussizefashion #plusizemodel #plussizepinup #plusizepinup”

 

 

Ayon kay Cai, ilang beses na raw siyang na-bash dahil sa pag-display ng kanyang katawan. Pero hindi iyon pinapansin ng aktres dahil tanggap niya ang sarili niya at hindi naging issue ang pagiging plus size niya.

 

 

“I think it’s because the people know that I know who I am. Tanggap kong mataba ako at sexy rin ako. Even if they tease me that I’m fat, it’s true. Why would I get annoyed? I think it was never an issue for me. They send you hate because they want to hurt you,” sey pa ni Cai na happily married sa kanyang Tunisian husband na si Wissem Rkhami kung kanino meron siyang dalawang anak na sina Bibo at Carmen.

 

 

***

 

 

SI James Blanco na lang pala ang aktibo sa mga ka-batch niya sa ’90s youth-oriented show na Click!

 

 

Napapanood si James sa top-rating afternoon teleserye ng GMA SA Book 2 ng Prima Donnas at kabi-kabila pa ang guestings niya.

 

 

Kaya malamang na siya ang nanlibre noong magkaroon ng mini-reunion ang ka-batch niya sa Click! kamakailan.

 

 

Sa pinost na photo ni James sa Instragram, nakarating sa kanilang reunion ay sina Jason Red, Biboy Ramirez, Tricia Roman, Trina Zuniga at Danica Sotto. 

 

 

Noong 2021 ay nagkaroon sila ng virtual reunion via Zoom at present din doon sina Maybelyn dela Cruz at Sherwin Ordonez.

 

 

Karamihan sa cast ng Click! ay naging busy na sa kanilang pamilya at negosyo samantalang yung iba ay nakatira na sa ibang bansa.

 

 

Nagsimula noong 1999 ang Click! at nagtapos ito noong 2004, Nakasama rin sa original cast sina Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, Angel Locsin, Miko Sotto, Karen delos Reyes, Brian Revilla, Roxanne Barcelo at Danilo Barrios. 

 

 

Nadagdag din sa cast sina Polo Ravales, Alessandra de Rossi, JC de Vera, Iya Villania, Drew Arellano, Wendell Ramos, Angelika dela Cruz, Wowie de Guzman, Railey Valeroso, AJ Eigenmann, Cogie Domingo, Jake Cuenca, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Jolo Revilla, Bianca King, Denise Laurel, Valerie Concepcion at Antoinette Taus.

 

 

***

 

 

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng American singer-songwriter na si Keith Martin sa kanyang condominium unit sa Libis, Quezon City noong nakaraang Biyernes, March 25.

 

 

Ayon sa imbestigasyon, inireklamo umano ng ibang nakatira sa condo building ang masangsang na amoy na nanggagaling sa unit ng 55-year old American singer na pinasikat ang awitin na “Because of You.”

 

 

Nang puntahan ang unit ni Keith, doon na nakita ang naaagnas niyang bangkay. Ayon kay Police Lt. Colonel Cristine Tabdi ng Quezon City Police District, and Criminal Investigation and Detection Unit, sasailalim sa awtopsiya ang mga labi ng singer para matukoy kung ano ang kanyang ikinamatay.

 

 

Kabilang ang singer at former Viva Hot Babe na si Sheree Bautista na nagulat sa biglang pagkamatay ni Keith, Naging matalik silang magkaibigan at marami silang naging music collaboration nito noong magpasyang ang singer na sa Pilipinas na ito tumira.

 

 

Huli raw nilang pag-uusap, hindi raw maganda ang pakiramdam ni Keith at pinayuhan siya nito na magpatingin sa doktor. Simula raw noon ay hindi na sumasagot sa text messages ni Sheree si Keith. Ang iba pang naka-collab ni Keith sa music ay sina Jinky Vidal at Luke Mijares 

 

 

Ang huling public appearance ni Keith ay noong maimbitahan ito sa wedding ng singer na si Daryl Ong kay Dea Formilleza in Antipolo noong nakaraang March 12. Nag-perform pa si Keith sa wedding reception ng Boys II Men medley kasama sina Michael Pangilinan, Thor Dulay at Daryl.

 

 

Ang iba pang hit songs ni Keith ay “Never Find Someone Like You,” “Why Can’t It be,” and “Forever Will Be”.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Handa kung sakaling magkita sila… CARLA, nag-react sa pag-amin ni TOM na may dini-date na

    NAGBIGAY ng reaksyon si Carla Abellana sa pag-amin ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez na may dine-date na raw ito.     “I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n,” diin pa ni Carla na handa rin kung sakaling aksidente silang magkita ni […]

  • Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM

    SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may  skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na  job mismatch.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng […]

  • Womens’ volleyball team ng bansa nakalasap muli ng pagkatalo sa AVC Cup for Women

    NAKALASAP  muli ang national women’s volleyball team ng bansa laban sa China sa nagpapatuly AVC Cup for Women.     Sa simula ay nakipagsabayan pa ang mga manlalaro ng bansa subalit ginamit ng China ang kanilang tangkad.     Dahil dito ay nakuha ng China ang 25-16, 25-22 at 25-20 na panalo.     Pinangunahan […]