New normal ngayong Abril, malabo pa- Concepcion
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
MALABO pang ipatupad ang “new normal” ngayong Abril dahil sa mababang rate ng booster vaccination.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na habang ang National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa ay mayroong mataas na vaccination rate, lalo na sa primary doses, ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay mayroong mababang booster vaccination rate, dahilan upang mahirapan na maikasa ang “new normal.”
“Yes, kasi ‘yung challenge natin ngayon—‘yung primary doses medyo walang problem diyan dito sa NCR (National Capital Region) at ibang lugar, tumataas pero malayo pa rin ang mga booster shots,” ani Concepcion, sabay sabing epektibo ang bakuna matapos ang anim na buwan.
“I was all for Alert Level Zero pero dapat mataas ‘yung percentage of boosting sa mga LGUs (local government units),” pagpapatuloy nito.
Kamakailan ay sinabi ng isang infectious disease expert na handa na ang Pilipinas para ipatupad ang Alert Level Zero.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang “metrics and elements” ng itinuturing na “more lenient alert level.”
Para sa Department of Health (DoH) ang health protocols partikular na ang paggamit o pagsusuot ng face mask ang huling babawiin ng gobyerno.
Base sa data ng DoH, tinatayang 65 milyong indibiduwal sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of March 20.”
Tinatayang 11.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang third o booster dose. (Daris Jose)
-
15 probinsiya sa Luzon, nakapagtala ng very high Covid-19 positivity rate
INIULAT ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon. Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales. Base sa data, […]
-
MM mayors wala pang rekomendasyon sa IATF
Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos Jr., maraming kinukonsidera sa kanilang magiging desisyon ang mga alkalde sa NCR kabilang na […]
-
Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko
Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno. Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay […]