• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40 days na pagdarasal para sa halalan inilunsad ng CBCP

INILUNSAD ngayong araw ng Caritas Philippines, ang social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang “I Vote God” ang “40 days of Prayer and Discernment” para sa May 9, 2022 elections.

 

 

Layon ng nasabing programa ay para gabayan ang mga botante ganon din ang mga mananampalataya sa tamang pagpili ng mga kandidato.

 

 

Pinangunahan ni Monsignor Antonio Labiao Jr., ang executive secretary ng Caritas Philippines kasama si Fr. Victor Carmelo Diola ang chairman ng Dilaab Philippines, isang non-profit organization na nagsimula pa noong 2000 na naglalayon sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.

 

 

Nagbigay din ng mga virtual messages sina Bishop Colin Bagaforo ng Diocese ng Kidapawan at ang national director ng Caritas Philippines, ganon din si Catholic Bishop Conference of the Philippines president at Bishop Pablo Virgillo David.

 

 

Sinabi ni Father Labiao na kanilang iikutin ang mga parishes sa bansa para hikayatin ang mga tao sa tamang paraan ng pagpili.

 

 

Hindi aniya sila titigil sa pagsusulong ng tamang pagpili ng nararapat na kandidato sa halalan.

 

 

“Ang importante na ang voters natin makilala nila nang lubos kung sino ‘yong mga kandidato para hindi lang tayo nagboboto dahil inutusan tayong bumoto at dahil lang nakuha natin sa social media,” ani Father Labiao.

Other News
  • Buhay ‘gumanda’ para sa 33% ng Pinoy, mas mababa pa rin vs pre-pandemic — SWS

    MAS UMAYOS daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.     Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao […]

  • BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”

    FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael […]

  • Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%

    PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department  of Health (DOH).     Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon.     Pinakamaraming   kaso […]