• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO

MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station-2 ang suspek na si Ruben Layosa, alyas “Potpot”, 34, tubong Brgy. Taisan, Daet, Camarines Norte at narekober sa kanya ang ginamit na bareta.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, bago ang insidente, nag-inuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang mga ka-trabaho sa loob ng trucking yard sa 20 Carbonium St. Goldendale Subdivision, Brgy. Tinajeros kung sa kapwa stay-in ang dalawa.

 

 

Bandang alas-3:45 ng madaling araw, habang naglalaro ng baraha ang biktima kasama ang kanyang mga ka-trabaho sa loob ng kanilang barracks nang biglang pumasok ang suspek na armado ng bareta at tinarakan sa leeg si Borja.

 

 

Kaagad naawat ng kanilang mga ka-trabaho ang suspek saka inagaw ang hawak nitong bareta habang isinugod naman ang biktima sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa naturang pagamutan.

 

 

Sa pahayag ni Layosa sa pulisya, nagawa niya ang pananaksak sa biktima dahil napuno na umano siya sa ginagawang pambu-bully sa kanya ni Ogag. (Richard Mesa)

Other News
  • HAMON NG KMK KAY EXECUTIVE SECRETARY BERSAMIN KAUGNAY NG PAGPASLANG KAY KA JUDE FERNANDEZ

    HINAHAMON ng KMK ang administrasyong Marcos na kagyat na pangalanan ang lahat ng elemento ng PNP-CIDG na sangkot sa pagpatay kay Jude Thaddeus Fernandez, isang beteranong trade union organizer. Dahil inosente ang kanilang napaslang, dapat silang kagyat na irelieve sa kanilang mga posisyon at idetine habang gumugulong ang imbestigasyon.     Bagama’t may pauna nang […]

  • Ads September 21, 2024

  • User ng TikTok account sa assassination plot vs BBM, tukoy na ng PNP

    NATUKOY  na ng Philippine National Police (PNP) ang user ng TikTok account na nag-post ng video tungkol sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.     Sa press briefing, inatasan ng PNP Chief ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ipagpa­tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso […]