• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.

 

 

Sa ilalim ng odd-even scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa ‘odd numbers’ ay pagbabawalan na gumamit ng ilang lansangan tuwing araw ng Lunes at Huwebes habang ang mga may license plates naman na nagtatapos sa ‘even numbers’ ay pagbabawalan tuwing Martes at Biyernes.

 

 

Bilang pagsunod sa modified number coding scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay kailangan na ‘off the road’ tuwing araw ng Lunes; 5, 6, 7, 8 tuwing araw ng Martes ; 9, 0, 1, 2 tuwing araw ng Miyerkules; 3, 4, 5, 6 tuwing araw ng Huwebes at 7, 8, 9, 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

Sa ilalim ng kasalukuyang scheme, ang mga sasakyan na mayroong license plates na nagtatapos sa 1 at 2 ay kailangan na manatili sa bahay tuwing araw ng Lunes; 3 at 4 tuwing araw ng Martes; 5 at 6 tuwing araw ng Miyerkules; 7 at 8 tuwing araw ng Huwebes; at 9 at 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

“Odd-even scheme will result in 50 percent traffic volume reduction, while the modified number-coding scheme was pegged at 40 percent and the current system at 20 percent,” ayon kay Artes.

 

 

Ang lahat ng coding schemes ay ipatutupad mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Sa kabilang dako, ipinanukala rin ni Artes na ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila Artes ay maaaring mag- operate mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon bilang pagsunod sa sinasabing “daylight savings time.”

 

 

Ipinanukala rin nito ang 4-day work week, kung saan ang mga empleyado ay maaaring magtrabaho ng 10 oras para sa apat na araw kada linggo o maaaring magtrabaho ng apat na araw ‘onsite at ‘work at home’ para sa isa pang araw.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ang panukalang work scheme ay tugon sa hirit ng mga labor groups na pagpapagaan sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo na matindi ang epekto sa mga mananakay.

 

 

Subalit, kinontra naman ito ng adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na ang panukalang four-day work week o hybrid work scheme ay hindi “suitable” o angkop sa lahat ng uri ng negosyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

    NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.     Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa […]

  • Libreng sakay sa MRT, posibleng mapalawig

    MAGANDANG balita para sa mga commuters.     Posible umanong mapalawig pa ang implementasyon ng libreng sakay  na ipinagkakaloob ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga pasahero.     Ayon kay MRT-3 OIC-general manager Mike Capati, pinag-aaralan na ng DOTr at ng MRT-3 management kung magpapatupad […]

  • Mga hotline para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, inilabas ng DOTr

    INILABAS na ng Department of Transportation ang mga hotline numbers ng mga attached agencies sa ilalim nito para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.     Layunin nito na matulungan ang publikong babiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa nalalapit na long weekend ngayong Holy Week.     Ayon sa DOTr, bahagi ito ng […]