• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRAYER RALLY SA COMELEC, GINAWA

PINANGUNAHAN  ni Fr.Robert Reyes ang prayer rally kasama ang ilang grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections  sa Intramuros, Maynila ngayong Miyerkules upang ipagdasal na maisagawa ng mga nakaupo ang patas at malinis na halalan sa Mayo 9.

 

 

Partikular na ipinagdasal ni Fr. Reyes kasama si Fr. Flavie Villanueva at mga miyembro  Urban Poor Associates (UPA) na magabayan ang Comelec , maging ligtas at mailayo sa anumang anomalya tulad ng pandaraya, pagbebenta ng boto, panlilinlang at pagkilng sa mga makapangyarihang kandidato.

 

 

Ipinagdasal din ng running priest na magawa ng mga komisyuner at kanilang mga kawani ang kanilang trabaho ng maayos nang walang pagkiling sa kandidato dahil sila ang pinaka-importanteng sangay  ng pamahalaan ngayong eleksyon.

 

 

Umaasa rin ito na  mangunguna ang Comelec na madepensahan at maingatan ng Comelec ang mga balota at proseso sa gagawing halalan gwyundin ang pagbibilang ng boto.

 

 

Hiniling din ng Pari sa lahat ng Pilipino  na ipagdasal ang nalalapit na eleksyon upang magkaroon ng pangulo na siyang tutulong upang maiahaon sa kahirapan, korupsyon, karahasan at pansariling interes sa pulitika ang ating bansa. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na

    NAGKITA  na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.     Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.     Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]

  • Lacson at Sotto, sumailalim sa voluntary drug test

    Magsasanib pwersa ang Philippine National Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pag-imbestiga sa isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.     Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nasimulan na ng PDEG ang pagbeberipika ng naturang impormasyon at nangangalap na ng mga ebidensya.     Paliwanag niya, nagbibigay ng update […]

  • Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

    PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.     Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw.     “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]