AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG
- Published on April 1, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sinabi ni Morente na si Cuyco ay pababalikin sa US batay sa summary deportation na naisyu sa kanya ng bureau’s board of commissioners noong nakaraang taon.
“He was also already placed in our immigration blacklist, thus he is banned from re-entering the country for being undesirable alien,” ayon sa BI Chief.
Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, inisyu ang warrant of arrest laban kay Cuyco noong pang May 1, 2018 ng US district court sa New Jersey.
Si Cuyco ay kinasuhan sa nasabing korte dahil sa money laundering at theft by deception.
Nag-ugat ang kanyang kaso dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal acquisition at pagbebenta ng 58 luxury vehicles sa isang third-party export companies at isang kahina-hinalang bumilikung saan kumita ito ng mahigit US$3 million.
Bukod dito, si Cuyco ay isa nang undocumented alien matapos na i-revoked ng US State Department ang kanyang passport. (GENE ADSUARA)
-
Mandatory vaccination isa ng batas sa Austria
MAGIGING mandatory na sa Austria ang pagpapabakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Austiran President Alexander Van der Bellen na pinirmahan na niya ang batas sa pagpapabakuna sa lahat ng mga mamamayan niya na nasa hustong edad. Nakasaad sa batas na ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption […]
-
320-K na mga gamit na condom na posibleng nirerecycle nakumpsika sa Vietnam
AABOT sa mahigit 320,000 na mga gamit na condoms na nirerecycle ang nakumpiska ng mga kapulisan ng Vietnam. Nakuha ito sa isang bodega sa southern Binh Duong province ang nasabing mga gamit na condom. Tumitimbang ito ng mahigit 360 kilos. Sa naging imbestigasyon ng mga kapulisan sa isang babae na may-ari ng bodega […]
-
Pres. Duterte aprubado na ang batas sa pagbibigay ng compensation sa 2017 Marawi siege
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege. Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022. Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas […]