• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG, NADAGANAN NG BAKAL NA POSTE, PATAY

NASAWI ang isang 53-anyos na ginang nang madaganan ng isang bakal na poste nang natumba matapos na nabangga ng isang dump truck sa Tanza, Cavite Huwebes ng hapon.

 

 

Isinugod pa sa Manas Hospital ang biktimang si  Ma.Fe Gutierrez Nazareno, may-asawa, isang Food handler ng Concepcion Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

 

 

Bukod kay Nazareno, isang aluminum van at isang motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck na minamaneho ni Mhar Garcia Amparo, 26,  ng Brgy Sahud Ulan , Tanza, cavite na nasa kustodiya na ng pulisya.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan nakatayo ang biktima habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa A. Soriano Highway, Brgy Sahud Ulan, Tanza, Cavite nang nabagsakan ng isang bakal na poste nang  nabangga ng isang dump truck na minamaneho ni Amparo matapos na umano’y  nawalan ng kontrol sa kanyang manibela.

 

 

Bukod kay Nazareno, nabatid na isang aluminum van at isang  motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck ni Amparo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ‘Napipintong food crisis,’ isang paalala para palaguin ang local agriculture

    PAGBUBUKAS ng ekonomiya sa investments at subsidies para mapalakas ang agrikultura ng bansa lalo na sa mga malalayong probinsiya ay hindi lamang makakatulong para mapabuti ang kalagayan sa mga nasabing lugar kundi makakatulong din para maiwasan ang posibilidad na kriris sa pagkain.     Reaksyon ito ni Dinagat Island Rep. Alan Ecleo kaugnay sa babala […]

  • 1-week academic healthbreak sa mga paaralan sa Maynila, iniutos ni Yorme

    INUMPISAHANG ipatupad kahapon, Biyernes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang linggong ‘healthbreak’ sa mga paaralan sa siyudad upang makapagpahinga umano ang mga guro at mag-aaral.     Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ‘healthbreak’ umpisa  Enero 14 hanggang Enero 21 sa lahat ng lebel ng mga pampubliko at pribadong paaralan.     […]

  • Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra

    MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.     Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos  ang  distribusyon ng  2,779 land titles sa 2,143  ARBs, mayroong […]