• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster dose kontra COVID-19, pinag-aaralan na gawing requirement

PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para sa isang indibidwal para makonsidera bilang isang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na ng kanilang primary vaccine series.

 

 

Dahil dito, pinag-usapan ng mga lokal na opisyal na idetermina kung ang booster dose ay maaaring idagdag bilang requirement para sa fully vaccinated individuals para hikayatin ang mas maraming tao na makakuha ng kanilang third dose o booster jabs.

 

 

“We are looking at the possibility of adding a booster dose, baka pwedeng fully vaccinated, updated na vaccination para mahikayat ‘yung mga tao. The studies are currently being discussed, ano pa ‘yung puwede nating gawin para ma-encourage ‘yung ang ating mamamayan magpa-booster,” ayon kay Cabotaje.

 

 

Noong nakaraang linggo, ipinanukala ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na ang terminong  “fully vaccinated” ay i-redefined para sakupin ang mga taong nakakuha na ng kanilang booster shot.

 

 

Ang panukalang ito ay pinalagan ng ilang eksperto, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi aniya tama na gawin ito, lalo pa’t ang institusyon gaya ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi naman ni-redefine ang kanilang kahulugan sa “fully vaccinated.”

 

 

At nang tanungin si Cabotaje sa naging panukala ni Concepcion na lagyan ng expiry date ang validity ng vaccination cards at palitan ito ng booster cards sa oras na mapaso’ na, sinabi ni Cabotaje na, “That’s also a good strategy.”

 

 

Gayunman, binigyang diin ni Cabotaje na mayroon dapat na “detailed enforcement” ng vaccine cards upang makita kung gaano kahuli na ang pagbabakuna sa isang tao, o kung ang vaccine cards na kanilang ipini-presenta sa ilang establisimyento ay pag-aari talaga ng mga ito.

 

 

“Hindi naman lahat titignan, kahit mag-random ka lang para mataon ay makita mo ay incomplete ka. That could be another strategy,” ani Cabotaje.

 

 

Para naman kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, pabor siya sa naging panukala ni Concepcion upang hikayatin ang mas maraming tao na kumuha na ng kanilang booster shots laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na tanging 12 milyon ng target population ang nakatanggap ng kanilang booster shots, at kailangan ng gobyerno na pataasin ang booster drive nito dahil na rin sa paghina na rin ng immunity mula sa primary vaccine series makaraan ang maikling panahon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 2, 2020

  • PLM tops Physician Licensure Exam, alumnus lands 5th place

    The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) celebrates the strong performance of its alumni from the College of Medicine who passed the October 2021 Physician Licensure Examination.     PLM logged the highest passing rate among all medical schools with a 98.06% passing rate, as 101 of its 103 test takers making the cut.   […]

  • 380 Pinoy sa Ukraine, hinikayat na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy

    HINIKAYAT ng Philippine diplomats sa Warsaw, Poland ang 400 Filipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang lugar sa gitna ng ulat na napipintong Russian invasion.     “The Philippine Embassy in Warsaw closely monitors the situation of the approximately 380 Filipino nationals living in […]