• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws

PUNTIRYA ng nag­de­de­pen­­sang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern University Tamaraws sa ala-1 ng hapon.

 

 

Masisilayan din ang du­­welo ng University of the Philippines at National University sa alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng University of the East at University of Santo Tomas sa alas-7 ng gabi.

 

 

Magkasosyo ang Ate­neo at La Salle sa liderato tangan ang parehong 2-0 mar­ka.

 

 

Sa kabila ng magtikas na rekord, ayaw pakampante ni Blue Eagles head coach Tab Baldwin kaya’t tu­tok ang kanyang mga ba­­taan sa Soaring Falcons.

 

 

“Those wins are behind us. They’re irrelevant. The only game that matters is Adamson now. We just worry about what’s in front of us,” ani Baldwin.

 

 

Mapapalaban ang Ate­n­eo sa Adamson na galing sa matikas na 82-66 panalo sa UE noong Martes.

 

 

Solido rin ang La Salle na nakasakay sa dalawang sunod na panalo kung sa­an nasilayan ang paglalaro ni transferee Mark Nonoy na galing sa UST.

Other News
  • Action-Packed Quest Awaits Fans and Gamers in “The Super Mario Bros. Movie”

    NINTENDO’S mustached hero Mario, along with the rest of the characters from the Super Mario Bros. that have been captivating gamers and fans for decades jump out of the game for The Super Mario Bros. Movie.     For the first time, iconic global entertainment brands Illumination and Nintendo join forces to create “The Super […]

  • MAVY, parang inamin na may relasyon na sila ni KYLINE dahil sa kanyang pinost

    MAG-POST ba naman si Mavy Legaspi ng picture ng isang mukha ng babae na kalahating lips at highlight ang dimples nito.     Hindi man kita ang buong mukha, e, makikilala naman talaga na walang iba ito kung hindi si Kyline Alcantara.     At ang pa-caption ni Mavy, “her. her smile. her dimples. Yup, […]

  • 15 HANGGANG 20 MAMBABATAS PABOR NA GAWING LIGAL ANG MEDICAL CANNABIS

    ISINIWALAT ng scientist inventor na si Dr. Richard Nixon Gomez nitong Lunes na 15 hanggang 20 mambabatas pa ang pabor na gawing ligal ang paggamit ng medical cannabis. Matatandaang ang mga nangunguna sa pagsusulong ng ligalisasyon ng medical cannabis ay sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, House Committee on Dangerous Drugs […]