• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP Cavite, palaisipan sa kaso ng pari na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse

PATULOY  pang iniimbestigahan ngayon ng Cavite Police Provincial Office ang motibo kaugnay sa isang parish priest na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse.

 

 

Una rito, natagpuan araw ng Linggo sa Silang, Cavite ang pari na naiulat na ilang araw ng nawawala o missing.

 

 

Ayon kay Silang chief of police, Lt. Col. Juan Peñafiel Oruga Jr., na bandang ala-1:30 ng hapon kahapon natagpuan sa Barangay Lumi ang pari na nakatali ang kamay nito.

 

 

Napag-alaman na ang nasabing pari ay parish priest ng isang simbahan sa Rosario, Cavite.

 

 

Sinabi ni Col. Oruga na hindi pa nila nakukuhanan ng salaysay ang pari dahil nasa “state of shock” ito at kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang Silang PNP sa Rosario PNP para sa imbestigasyon sa insidente.

 

 

Samantala, ayon naman kay Lt. Col Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Municipal Police Station, nakitang nakagapos sa loob ng kanyang sariling sasakyan at buhay ang missing priest na si Rev Fr. Leoben Peregrino, 58. (Daris Jose)

Other News
  • LJ, kinumpirma na hiwalay na sila ni Paolo at sobrang hirap ang pinagdaanan

    NAGSASALITA na nga si LJ Reyes ngayon at kinumpirma na rin ang hiwalayan sa partner at ama ng ikalawang anak niya na si Paolo Contis.     ‘Yun nga lang, bakit sa YouTube channel ni Boy Abunda ito nagpaunlak ng unang interview at hindi sa GMA-7 kunsaan ay naka-kontrata siya?     Naisip tuloy namin, […]

  • Kyrgios di muna makakalaro dahil sa injury

    Si Nick Kyrgios ay umatras sa Australian Open ngayon Lunes dahil sa injury nang hindi nito natamaan ang bola at masama ang kanyang loob at hindi siya makakalaban sa Grand Slam na ginanap sa kanyang bansa.   Ang talentadong ngunit masungit na Australian, na itinuturing na isang panlabas na pagkakataon na manalo ng titulo, ay […]

  • Pilipinas, tinintahan na ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine

    TININTAHAN na ng Pilipinas ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American firm Novavax.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naging maganda ang resulta ng pagbiyahe sa India noong isang linggo.   Doon aniya ay napirmahan na ang supply agreement kung saan ang Serum […]