• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinakamataas na daily tally ng COVID-19 sa PH sa loob ng halos isang buwan, naitala ng DOH

NAKAPAGTALA ng nasa kabuuang 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).

 

 

Ito ang pinakamataas na daily tally sa mga kaso ng nasabing virus na naitala ng kagawaran mula noong Marso 7, kung saan 332 sa mga ito ang nagmula sa Metro Manila.

 

 

Bukod dito ay nakapagtala din ang ahensya ng dagdag na 19 na mga bagong nasawi ng dahil sa sakit na magdadala naman sa 59,343 na total number of deaths sa bansa.

 

 

Sa ngayon ay umakyat na sa 3,679,629 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 35,967 dito ay aktibo.

 

 

Samantala, una nang pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang lahat na huwag pa rin makakapanti kahit na nakatanggap na ng kumpletong bakuna ang mga ito.

 

 

Pinayuhan din ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng booster shot na magpabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa nasabing nakamamatay na virus.

 

 

Layunin naman ng pamahalaan ngayon na palakasin pa ang bakunahan nito sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa upang makamit na ng mga ito na maisailalim sa Alert Level 1.

Other News
  • Willing pa rin siyang mag-serve sa Batangas: VILMA, naghihintay pa ng ‘sign’ kung tatakbong muli bilang governor

    SI Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang featured celebrity para sa Cultural Wednesdays ng Deparment of Foreign Affairs.         Punong-puno ang bulwagan ng DFA at lahat ay nakikinig sa mga ibinabahagi na experiences ni Ate Vi sa Philippine Film industry.       At yung mga karanasan niya na naging dahilan […]

  • Kaysa umasa sa imported: Mass-production ng face masks, itutulak

    DAPAT ikunsidera ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng bansa sa mabilis na paggawa ng o mass-production ng face masks kasunod na rin sa nagaganap na worldwide shortage ng anti-viral personal device.   “Our sense is, it might be practical for the government itself to be ready all the time to steadily produce large quantities […]

  • Malabon, may bagong ‘Lab for All’ medical van

    ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang blessing at ceremonial turnover ng bagong ‘Lab for All’ medical van, sa pangakong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Malabueño,     Ang pagpapasinaya ng Lab for All medical van ay pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama sina William Vincent “Vinny” Marcos, anak ng Unang […]