• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Creamline diretso sa Finals

MULING  humataw si op­po­site spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakalikom ang dating Uni­versity of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks para dal­hin ang Cool Smashers sa ikaanim na sunod na fi­nals appearance.

 

 

“Thankful kami kasi na­ka-recover kami sa first set. Medyo kinapos iyong habol na­min sa first set, pero iyong maturity ng Creamline nandiyan na palagi,” sabi ni Cool Smashers’ coach Sherwin Meneses.

 

 

“In terms sa disiplina, nag­lalaro na lang kami nang maayos para makuha iyong panalo,” dagdag nito.

 

 

Ramdam na ramdam din ang puwer­sa ni Jema Ga­lanza na humataw ng 18 points at 15 digs gayundin si skipper Alyssa Valdez na may 17 points para sa 2-0 sweep ng Creamline sa Choco Mucho sa semis.

 

 

May pinagsamang 19 markers sina middle bloc­kers Jeanette Panaga at Ce­line Domingo sa net defense ng Cool Smashers.

 

 

Nagpako ang Creamline ng kabuuang 67 attacks na nagawa nito dahil sa matikas na setting skills ni Jia Morado na nagtala ng 27 excellent sets.

 

 

Bantay ni libero Kyla Atienza ang floor defense nang magrehistro ito ng 17 digs at 17 receptions.

 

 

Nakakuha naman ang Flying Titans ng 14 hits mu­la kay Kat Tolentino galing sa 11 attacks at tatlong blocks, habang naglista si Des Cheng ng 13 points at nagdagdag si team captain Bea De Leon ng siyam na puntos.

 

 

Nauna nang naitarak ng Creamline ang 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo sa Flying Titans sa Game 1.

 

 

Samantala, tinalo ng Chery Tiggo ang Philippine Army, 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12, tampok ang 32 points ni Dindin Santiago-Manabat sa classification phase.

Other News
  • Kaya tuloy na tuloy pa rin ang ligaya: TITO, VIC & JOEY, na-retain ang creative control sa ‘Eat Bulaga’

    TIYAK na ikatutuwa ng mga fans at followers ng long-running noontime variety show na “Eat Bulaga,” ang post na “Tuloy ang ligaya! TVJ to retain creative control of “Eat Bulaga” as Jalosjos family agrees to stand down. – Eat Bulaga was at risk of a major overhaul due to a feud between its stakeholders.  But […]

  • P20.28-M na pinsala sa agri sector dulot ng pagputok ng bulkang Bulusan

    PUMALO na sa kabuuang P20.28 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura na naidulot ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo lamang.       Ang naturang tala ay mula sa tatlong bayan na apektado ng pagbagsak ng abo, partikular na ang Casiguran, Juban at Irosin.       Pinakamalaking bahagdan ng […]

  • TOM CRUISE AND CHRISTOPHER MCQUARRIE TEAM UP AGAIN FOR THEIR BIGGEST MISSION YET IN “DEAD RECKONING PART ONE”

    FOR the filmmakers of Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, the latest installment is a love letter to the whole Mission series.      “It’s absolutely that,” says Tom Cruise, who reprises his now iconic role of Ethan Hunt in the film, which he also produces. “People who haven’t seen the other Missions are going to enjoy […]