• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.

 

 

Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro kaya walang saysay ang triple-double ni Earl Scottie Thompson na 19 points, 10 rebounds at 10 assists.

 

 

Gayundin ang 20 markers at 14 boards ni Christian Standhardinger at ang iniskor na 27, kinalawit na 6 boards  at inisyung 5 feeds ni Justin Brownlee para sa crowd darling squad.

 

 

“Sabi niya, hindi ito ang team na naglaro sa past playoff games,” bulalas ni Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio sa mensahe ni Cone paglabas ng dugout ng Quezon City playing venue. “Offensively, defensively, we’re out of whack.”

 

 

Hindi nagpainterbyu sa PBA Press Corps ang Gins coach kaya si Tenorio na lang ang nagsalita para sa media.

 

 

Nagtala lang ng 31 of 81 sa gield goal ang Ginenbra, kabilang ang 10 for 34 sa 3s hambing sa mga magkukuryente na  na mayroong 42 of 81 at 11 for 21.

 

 

Pero pinangwakas na sey ni Tenorio na reresbak sila sa Game 2, Biyernes ng alas-6:00 ng gabi sa SM MOA Arena sa Pasay City. (REC)

Other News
  • Ads February 9, 2023

  • Pope Francis planong bumisita sa Ukraine

    POSIBLENG  bumisita sa Ukraine si Pope Francis.     Sinabi nito na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng Vatican ang posibilidad ng nasabing pagbisita sa Kyiv.     Sa unang pagkakataon din ay binatikos ng Santo Papa si Russian President Vladimir Putin dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.     Sa kanyang talumpati habang ito […]

  • Ads February 23, 2022