Publiko, masyadong naging kampante nang ibinaba ang Alert level 1 sa maraming lugar sa bansa – NTF Against COVID-19
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING relax o naging kampante ang maraming Filipino magmula ng ipinatupad ang Alert level 1 sa maraming lugar ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr Ted Herbosa na kung saan, naging barometro nito ang bilang ng mga dapat sana’y kuwalipikado ng magpa- booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok.
Aniya, naipit na sa labing dalawang milyon lamang ang mga nagsipag- booster shot samantalang nasa 66 na milyon na ang may 2nd dose.
Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko. Sana ay samantalahin ang Holy Week at walang trabaho.
At kung nasa bakasyon naman, mayroon din namang vaccination sa mga lalawigang pupuntahan at ang ipapakita lang naman ay ang vaccination card na may two doses at lampas na ng three months .
“Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin,” ayon kay Herbosa.
“So, reminder: Habang Holy Week at walang trabaho, siguro ang maganda ay puwede na tayong magpa-booster. And by the way pati doon sa mga probinsiya na bibisitahin ninyo, puwede tayong magpa-booster doon. Ipakita ninyo lang iyong inyong vaccination card na may two doses at kung lampas three months na puwede kayong makatanggap ng booster shot doon sa lugar na iba sa inyong address,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
The cards have spoken. Meet the characters of the new horror film “Tarot”
A group of friends decides to delve into the world of the occult and read their destiny through tarot cards, only to unleash an evil trapped within. Meet the characters trying to race against death and their foretold future in the new horror film Tarot: Haley (Harriet Slater) is a spiritualist that is navigating a […]
-
Isa na naman sa dream niya ang natupad: KIM, ipinasilip na ang bonggang rest house sa Tagaytay
BILANG selebrasyon ng 3 million subscribers sa kanyang YouTube channel, masaya at proud na ibinahagi ni Kim Chiu ang house tour sa kanyang newly-renovated rest house sa Tagaytay. Sa kanyang IG post kasama ang mga photos, may caption ito na, “Happy 3 million subscribers! Maraming maraming salamat po for all the love and time […]
-
PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets
HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections. Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.” Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala […]