• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.

 

 

Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8.

 

 

“We don’t want any senior government official to get injured or lose his life from an armed assailant simply because he cannot defend himself with his own firearm due to the gun ban,” anang opisyal sa isang press briefing

 

 

Giit nito ,ang mga opisyal na ito ay kailangang maging ligtas sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, malaya sa takot at panggigipit mula sa iba.

 

 

Maliban sa  President at Vice President,  exempted din sa  gun ban ang  Chief Justice, Senate at  House of Representatives members, at lahat ng  justices ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

 

 

Kasama rin sa listahan ng exemption ang lahat ng mga hukom ng rehiyonal, munisipyo, at metropolitan na mga trial court; ang Ombudsman, Deputy Ombudsman, at mga imbestigador at tagausig ng Opisina ng Ombudsman; ang prosecutor general, chief state prosecutor, state prosecutors, at prosecutors ng Department of Justice; at opisyalat ahente ng  National Bureau of Investigation.

 

 

Ang mga cabinet secretary, undersecretary, at assistant Secretaries, lahat ng opisyal ng halalan, provincial election supervisor, at regional election directors ay may katulad na awtomatikong exemption.

 

 

Sinabi ni Pangarungan na ang pag-amyenda ay naglalayong mapabilis at pasimplehin ang pagbibigay ng exemptions sa pagbabawal sa pagdadala, pagtransport  ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas sa mga “karapatdapat” na aplikante.

 

 

Samantala, si Pangarungan ay pinahintulutan ng Comelec en banc na magdeklara ng mga lugar sa ilalim ng kontrol ng Komisyon

 

 

“For example, there is a gun battle in Lanao del Sur. I don’t need to wait for another week to convene the Committee on the Ban of Firearms to declare it under Comelec control,” anang opisyal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Final na at walang balikan na naganap sa kanila ni Rabiya: JERIC, binura na ang lahat ng photos o post sa Instagram account

    MUKHANG final na kaya at wala ng balikan na magaganap sa pagitan nina Jeric Gonzales at girlfriend niya na si Rabiya Mateo?   Sa totoo lang, naghihintay kami na ang ibabalita sa amin, “sila na ulit!” Kasi nga, gano’n na talaga ang pattern, magbi-break, then, magbabalikan.   Pero this time, mukhang totohanan na ha. Kaya […]

  • Pagulayan kampeon sa Illinois

    MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.   Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona […]

  • Balik Maynila si Yorme… Isko Moreno, nag-file ng COC bilang kandidatong Mayor

    NAGHAIN ng Certificate of Candidacy (COC) si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang muling pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.     Kasamang naghain ng COC si Yorme ng kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor si Joaquin Domagoso sa unang Distrito ng Maynila .     Kasabay din ni […]