• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 pres’l bets, walang balak umatras sa May 9 elections

NAGKAKAISANG  inanunsyo nina Senator “Ping” Lacson, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Manila Mayor “Isko” Moreno na hindi nila iuurong ang kandidatura sa pagka-pangulo.

 

 

Pahayag ito ng apat na presidential candidates sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, kasabay ng Easter Sunday.

 

 

Ayon kay Isko, ang bawat isa sa kanila ay magpapatuloy sa kani-kanilang indibidwal na kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng mga mamamayang Pilipino.

 

 

“Kami, pangalawa ay magsasanib puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka upang baluktutin ang totoong pagpapasya ng taongbayan sa pamamagitan ng paggalaw na hindi kanais-nais o maglilimita sa malayang pagpili ng ating kababayan,” wika pa ni Moreno.

 

 

Nakapirma rin aniya sa parehong statement si Pacman ngunit padating pa lamang sa venue nang kanyang basahin sa publiko.

 

 

Nabatid na mahigpit ang seguridad sa labas pa lamang ng nasabing hotel sa Makati.

 

 

Una nang inihayag ng ilang analysts na ang 2022 presidential polls ay mistulang two-way fight sa pagitan nina Sen. “Bongbong” Marcos at Vice President “Leni” Robredo na sila ring mahigpit na naglaban sa vice presidency inoong 2016 elections.

 

 

Ngayong araw ay eksakto tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa darating na May 9.

 

 

Narito ang JOINT STATEMENT na binasa ni Mayor Isko:

 

Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaliral natin dapat ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang mga magiging lider.

 

 

Nais naming makadaupang-palad ang ating mg kababayan alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato, sa halip na kami ay malayo sa kanila, at sa pamamagitan ng prosesong pang-elektoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa isang pagnanais kung ano ang kahihinatnan ng bansa.

 

 

Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon ng isang diwa ng pagsasama-sama at mananaig sa umiiral na bangayan at personal na ambisyon, upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat, na hindi lamang mga kataga o bukambibig pampulitika.

 

 

Kami ngayo’ y nangangako:

 

(1) na maninilbihan sa pamahalaan ng kung sinumang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod a Pangulo, at

 

 

(2) kami ay magsasanib-puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasiya ng taumbayan sa pamamagitan ng mga paggalaw a hindi kanais-nais o di kaya maglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.

 

 

Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging mga karapatdapat a pagpilian g ating sambayanang Pilipino.

 

 

 

Nilagdaan:

 

Senator Panfilo Lacson

Senator Emmanuel Pacquiao

Secretary Norberto Gonzales

Mayor Franciso Isko Domagoso

Senate President Vicente Sotto III

Dr. Willie Ong

Other News
  • LGBTQI, PROTEKTADO SA MAYNILA

    PROTEKTADO na ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila ang mga lesbians, gays, bisexu-als, transgender, queers and intersex (LGBTQI).   Ito ay makaraan lagdaan kahapon ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno”Domagoso, ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) […]

  • Israel, nasa Alert Level 2 na

    INILAGAY  na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.     Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon.     Pero ayon kay de […]

  • ‘Malditas in Maldives’, Best Picture sa Taipei Filmfest: DIREK NJEL, muling naghatid ng karangalan para sa Pilipinas

      MULING naghatid ng karangalan para sa Pilipinas si Direk Njel de Mesa, dahil sa isa na namang parangal sa international scene ang nakamit niya, this time sa Taipei, Taiwan.           Ang kanyang full-length film na “Malditas in Maldives” (na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee tungkol sa […]