Kaso ng COVID-19 posibleng pumalo sa 35K sa eleksyon – DOH
- Published on April 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING magkaroon ng halos 35,000 aktibong kaso ng COVID-19 sa araw ng eleksyon sa Mayo 9, dahil sa patuloy na pagbaba nang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng DOH na sa naging pagtaya ng mga eksperto sa epidemiologic modelling, ang bansa ay maaaring nagkaroon ng mababang bilang ng mga kaso mula Marso hanggang Abril subalit dahil sa pagbaba naman ng pagsunod sa MPHS ay maari na itong magbago.
Ang mga rate ng pagsunod sa panahong ito ay tinatayang nasa 7 porsiyento sa buong bansa, at -12 porsiyento sa National Capital Region (NCR).
Batay sa modelong Susceptible-Exposed-Infectious-Recovered with Vaccination and Reinfection (SVEIR) na ginamit ng sub-Technical Working Group on Data Analytics (sTWG DA) at ang Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) Team, ang pagbaba sa MPHS compliance ay magiging dahilan sa pagtaas ng mga bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH na inaasahang ang pagbaba ng 20 porsiyento sa pagsunod sa MPHA sa national level ay posibleng humantong sa humigit-kumulang 34,788 aktibong kaso sa kalagitnaan ng Mayo. (Daris Jose)
-
PBA season 46 opening sa Abril 18 na!
Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City. Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pumapalo na sa 5,000 kada araw. Plano sana ng PBA management na […]
-
Malacanang: P3 billion nakalaan sa fuel subsides
TINIYAK ng Malacanang na may nakalaan na P3 billion ang pamahalaan para sa fuel subsidies at discounts sa industriya ng transportasyon upang mabigya ng relief ang maaapektuhan ng pagtaas ng langis at krudo. “Under the GAA or the General Appropriations Act, P2.5 billion is appropriated and to be used to provide financial assistance […]
-
Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA
PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]