• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.

 

 

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang Pilipinas daw ang pinakadelikado sa epekto ng climate crisis dahil sa average na halos 20 mga bagyo ang dumadaan kada taon.

 

 

Sinisisi rin nito ang mga mayayamang mga bansa sa epekto ng climate change lalo na raw dahil ang mga ito ang malakas na gumamit ng carbon sa kanilang mga factories, mga bahay at sasakyan kumpara sa mga developing countries.

 

 

“Yung resulta ng pollution ng ibang countries, tayo ang sumasalo. Pagdating sa damage tayo rin ang pinakakawawa,” ani Pres. Duterte. “Sila yung may pinaka maraming factory and in some industrialized places halos every kanto may factory… unfortunately sila ‘yung biggest contributor ng carbon emissions dito sa mundong ito.” (Daris Jose)

Other News
  • Single ticketing system aprubado na

    APRUBADO  na ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.       Nagbigay ng pagsangayon ang labing-pitong (17) Metro Manila mayors sa Resolution No. 23-02 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saannakapaloob ang Metro Manila Traffic Code of 2023.       Ayon kay MMC chairman at […]

  • Legendary golfer Kathy Withworth pumanaw na 83

    Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83.     Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer.     Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan.     Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye […]

  • Hihigpit ang Presidential race kapag kumampi kay Robredo ang undecided voters

    HIHIGPIT  ang karera sa pagkapangulo kapag pumanig ang tinatawag na “undecided” na mga botante kay Vice President Leni Robredo sa darating na halalan sa Mayo, giit ng isang political analyst.     Ayon kay Froilan Calilung, na nagtuturo ng poli­tical science sa University of Santo Tomas, malaki ang epekto ng undecided voters sa resulta ng […]