• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project

LUMAGDA  sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.

 

 

Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman sa PNR Clark Phase 1 mula Tutuban hanggang Malolos kasama na ang paglagda sa kontrata ng 304 railway train cars.

 

 

Ang nasabing eight-car train set naman ay may habang 160 meters at may operational speed na 120 kph kung kayat ito ay inaasahang makapagsasakay ng 2,229 na pasahero kada train set.

 

 

“To the Philippines and Filipino people, now you see the project – pray that it is completed, be happy that it has started, and I tell you, President Duterte and his Build, Build, Build team will go all the way to make sure that the projects are completed for the comfort and convenience of the people,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na dahil ang proyekto ay pinayagan ng gawin at may pondo ng nakalaan habang ang kontrata naman ay nagawa na kung saan ang pagtatayo at deliveries ay patuloy ng ginagawa, kung kayat hindi lamang on track ang proyekto kung hindi ito ay “full steam ahead” upang maging totoo ang pangako ni President Duterte na kanyang ibibigay ang isang “Golden Age of Infrastructure” para sa mga magandang buhay ng mga Filipino.

 

 

Ang NSCR ay may tatlong (3) bahagi:  PNR Clark Phase 1 na mula sa Tutuban hanggang Malolos sa Bulacan at may habang 38 kilometro. Ang travel time ay mababawasan mula sa dating isang (3) oras at 30 minuto kung saan magiging 30 minuto na lamang ito.

 

 

Samantalang ang PNR Clark Phase 2 ay magmumula sa Malolos, Bulacan papuntang Clark sa Pampanga kung saan ang travel time ay makukuha lamang ng mula 30 hanggang 35 minuto na lamang. Magkakaron rin ito ng kauna-unahang Airport Railway Express Service na magdudugtong sa Makati City at Clark International Airport (CIA). Magiging 55 minuto na lamang ang travel time sa bahaging ito mula sa dating dalawa (3) hanggang tatlong (3) oras ng paglalakbay.

 

 

Ang ikatlong (3) bahagi ay ang PNR Calamba na may habang 56 na kilometro kung saan ang train ay magmumula sa Solis Street sa Tondo, Manila papuntang Calamba sa Laguna. Tinatayang ang travel time ay magiging isang (1) oras na lamang mula sa dating apat (4) na oras.

 

 

Nagkakahalaga ng P777.55 billion ang kabuohang proyekto. Itatayo ang NSCR na may habang 147 kilometer sa double-track fully elevated railway system na siyang magdudugtong sa Region III (Central Luzon), National Capital Region (NCR), at Region IV-A (CALABARZON). Magkakaron din ito ng seamless transfer stations mula sa LRT 1, LRT 2, at MRT 3 kasama rin ang gagawing Metro Manila Subway.

 

 

Babagtas ito sa 28 lungsod at bayan sa rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON at magkakaron ng 37 na estasyon. Inaasahang milyon na pasahero ang makakasakay dito. LASACMAR

Other News
  • Contingency plan sa El Niño, gawin – Sen. Win

    NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon.     Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ng bansa ang rurok ng El Niño ngayong summer season.     […]

  • Covid-19 booster shots, ipinamahagi sa iba pang ahensiya

    Muling nagsagawa ang kamara sa pangunguna ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ng isa pang COVID-19 vaccine booster shots nitong Martes sa mga empleyado at dependents nito, maging sa mga kawani ng iba pang government agencies.     Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na nakipag-ugnayan sila sa ibang ahensiya ng gobyerno […]

  • Ads January 28, 2022