• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delivery boy kinuyog, sinaksak ng 3 magkakapatid sa Malabon

ISANG 38-anyos na water delivery boy ang sugatan matapos pagtulungan kuyugin at saksakin ng tatlong magkakapatid na kapitbahay niya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa mukha at hiwa sa likod na bahagi ng leeg ang biktimang si Joel Parola alyas “Negro”, ng 300 Sitio 6, Brgy. Catmon.

 

 

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa 290 Sitio 6, Brgy. Catmon matapos akusahan ng mga suspek na sina Jhon Michael Nabelon, 22, Marlon Nabelon, 28 at Martin Nabelon, 29, pawang residente sa Sitio 6, ang biktima na nambato sa kanilang bahay.

 

 

Lumabas ang biktima sa kanyang bahay upang itanggi ang akusasyon subalit, pinagtulungan siyang kuyugin ng mga suspek na armado ng basag na bote.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima ng kanyang kaanak sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub Station 4 si Jhon Michael at narekober ang ginamit na basag na bote.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa dalawa pang nakatakas na mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Importante ang chemistry at komunikasyon: MARCO, naniniwala sa matagumpay na long distance relationship

    HINDI naniniwala si Marco Gallo na hadlang ang long distance upang maging matagumpay ang isang relasyon.     Ayon kay Marco, “It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important.     “As long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.”     […]

  • Voters Registration, idinaos sa Kampo

    IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw […]

  • Ads June 22, 2023