• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena flag-bearer sa Vietnam SEAG

SI WORLD  No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Hindi pinayagan ng Vietnam ang pagkakaroon ng Pinas ng dalawang flag-bearers sa katauhan nina Obiena at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

“There could only be one flag-bearer for each country. We nominated Hidilyn and EJ, but it was turned down,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. “Like Hidilyn, EJ has all the qualifications to be our flag-bearer.”

 

 

Kapwa target nina Diaz at Obiena ang ikalawang sunod na gold medal sa women’s weightlifting at men’s pole vault events, ayon sa pagkakasunod, sa Vietnam SEA Games sa Mayo 12-23.

 

 

Noong 2019 Philippine SEAG ay lumundag si O­biena ng  5.45 meters para kunin ang gintong medalya.

 

 

Matapos ang dalawang taon ay nagposte ang Tok­yo Olympian ng bagong Asian men’s record na 5.93m na inilista niya sa Innsbruck, Austria.

 

 

Bukod kay Obiena, ang iba pang sasalang sa athletics event ay sina Kristina Knott (200m), Eric Cray (400m hurdles), Christine Hallasgo (marathon), Aries Toledo (decathlon), Clinton Bautista (110m hurdle), Williamn Morrison III (shot put), Melvin Calano (javelin), Natalie Uy (pole vault) at Sarah Dequinan (heptathlon).

Other News
  • Ads February 22, 2022

  • PDu30, nagtalaga ng Crisis Manager sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Odette

    PANGANGASIWAAN ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.   Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, partikular na pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bautista ang Siargao, Dinagat Island at […]

  • Senado iimbestigahan ang vehicle inspection system ng LTO

    Magsasagawa ng isang imbestigasyon ang committee on public services ng Senado tungkol sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) dahil sa sumbong ng mga motorista na nagbabayad sila ng doble sa kanilang vehicles registration fees.   Si Senator Grace Poe ang naghain ng isang resolution na siyang umuupo bilang chairman ng panel kung […]