• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘P90-M na bayad sa Smartmatic, ‘hold’ muna, pending data breach issue’

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.

 

 

Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kumpanya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.

 

 

Kaya naman nangako si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na habang wala pang resolusyon sa naturang kontrobersiya, kanila munang iho-hold ang P90 million na bayaran sa kompaniya.

 

 

“So far, we have not put in any of these except to withhold payment to Smartmatic. I have not signed the voucher for the payment to Smartmatic in amount of P90 million pursuant to our contract because we want to clear this matter about this leakage… of some data,” wika ni Pangarungan.

 

 

Maliban dito, may iba pang mga hakbang na inihahanda ang legal department ng poll body laban sa Smartmatic.

 

 

Pero kung masisiguro umano na inosente ang technology provider, ibibigay din naman ng komisyon ang kaukulang bayad para sa nasabing kompaniya.

 

 

“Once we are convinced that Smartmatic is innocent about this leakage of the data,” pahayag pa ng opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-IBIG, nakapagtala ng all-time high members’ savings na P79.9B para sa taong 2022

    SINABI ng  Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG na nakapag-save ang mga miyembro nito ng  P79.9 bilyon noong 2022, isang record-high savings ng mga miyembro nito sa isang ‘single year.’     Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG na may  P80 bilyong piso ang na-save  ng mga miyembro nito noong nakaraang taon, itinuturing na pinakamataas […]

  • Ads January 13, 2023

  • Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

    OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.     Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.     Apat na […]