• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-utol, 2 pa nabitag sa P136K shabu sa Valenzuela

ISINELDA ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang magkapatid matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu makaraang maaresto sa magkahiway na buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa F Bautista St., Brgy. Marulas matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ng magkapatid na Albert Llaguno, 32 at Allan Llaguno, 38, kapwa residente sa naturang lugar.

 

 

Nang matanggap ng back up na mga operatiba ang pre-arranged signal mula kay PCpl Franciz Cuaresma na umakto bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit sina PSSg Gabby Migano at PCpl Ed Shalom Abiertas saka inaresto ang mga suspek.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P1,500 marked money na isang tunay na P500 bill at isangP1,000 boodle money at coin purse.

 

 

Nauna rito, nadakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Galas St., Brgy. Bignay dakong alas-12 ng hating gabi sina Juanito Macario alyas “Putat”, 45 at Rochell Maranan alyas “Tisay”, 42, kapwa ng nasabing barangay.

 

 

Nabatid kay PSMS Fortunato Candido, narekober sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P500 buy bust money cellphone at P500 cash.

 

 

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Philippians 2:10

    At the name of Jesus, every knee must bend.

  • Meet the cast of the thrilling zombie apocalypse movie “Love You as the World Ends”

    Kamen Rider stars Takeuchi Ryoma and Takahashi Fumiya are Hibiki and Yamato in the dystopian zombie film Love You as the World Ends. Based on the hit horror-television series co-produced by Nippon TV and Hulu Japan, Love You As The World Ends ties in all the intertwining stories of a group of survivors trying to […]

  • COA, pinuna ang Ormoc City dahil sa kabiguan na gamitin ang pondo para sa mga biktima ng Typhoon Odette

    TINAWAGAN ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang Ormoc City government dahil sa kabiguan na gamitin ang P9 milyong halaga ng  financial assistance mula sa Office of the President (OP) na dapat sana’y para tulungan ang mga biktima ng Typhoon Odette noong December 2021.     Sa 2022 annual audit report ng  COA ukol […]