• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakipagsabayan sa aktres at kay JC sa ‘366’: ZANJOE, bidang-bida sa pasadong first directorial movie ni BELA

MAGPAPASIKLABAN sa husay ng acting sina Sylvia Sanchez at ang anak niyang si Ria Atayde sa bagong offering ng Dreamscape Entertainment na Miss Piggy.    

 

 

If we are not mistaken, ito ang unang pagsasama sa isang teleserye ng mag-inang Sylvia at Ria, bagay na sobrang ikinatuwa ng premyadong aktres.

 

 

Kwento ni Sylvia, bata pa si Ria ay nag-express na ito nang desire na pumasok sa showbiz. But instead of doing so, mas pinili nito na mag-concentrate muna sa kanyang pag-aaral and earn a degree.

 

 

Source of pride nga for Sylvia and her husband Art Atayde when Ria finished college.

 

 

Kaya when Ria expressed desire na pumasok sa showbiz, suportado siya ng kanyang loving parents.

 

 

Unang nakasama ni Sylvia si Arjo Atayde sa isang teleserye. Ngayon si Ria naman ang makaka-experience na umakting kasama ang kanyang mommy.

 

 

Written and directed by Carlo Enciso Catu, kasama rin sa cast ng Miss Piggy sina Elijah Canlas, Iana Bernardez, Fino Herrera, Rubi Rubi at Ricky Davao

 

 

Ito ay produced ng iWantTFC and Dreamscape Entertainment and it starts streaming on April 25.

 

 

***

 

 

PWEDENG sabihin na parang solo movie ni Zanjoe Marudo ang 366, ang first directorial job ni Bela Padilla.

 

 

Although tatlo ang major characters – Zanjoe, Bela at JC Santos, in terms of exposure, parang lamang si Zanjoe.

 

 

Medyo maigsi ang role ni JC pero markado naman ang performance and you can’t ignore him.

 

 

Zanjoe has never been so handsomely photographed. Guwapong-guwapo  ang Kapamilya hunk sa pelikula.

 

 

In terms of acting, hindi naman nagpahuli si Zanjoe sa kahusayan ng co-stars niyang sina Bela at JC.

 

 

In fact, maraming beses na nag-shine si Zanjoe. Pero hindi naman ibig sabihin na he was able to eclipse Bela and JC dahil may kanya-kanyang moments naman sila.

 

 

366 is a story about moving on after a tragedy. Kailan ka ba magiging handang magmahal muli after undergoing a tragedy?

 

 

Maganda ang pagkakasulat ng script ni Bela. Pasado rin ang pagsabak niya sa film direction. Hindi mo masasabi that 366 was made by a first-time director dahil maayos ang trabaho ni Bela.

 

 

Maayos ang daloy ng kwento at hindi ka maiinip kahit na ilang characters lang ang makikita mo onscreen.

 

 

Gusto namin i-congratulate si Bela for a fine directorial debut at sa mahusay niyang performance, same with Zanjoe and JC.

 

 

Streaming na sa Vivamax ang 366. Pero mas maganda pa rin manood ng sine sa big screen.

 

 

***

 

 

 

DUMALO sa special screening ng 366 ang mag-sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.

 

 

Friend kasi ni Kim si Bela Padilla, na kasama niya sa It’s Showtime kaya bilang suporta sa kaibigan ay nanood sila ni Xian ng movie.

 

 

Maaga pa ay nasa Ayala Vertis North na sina Kim at Xian. Matiyaga silang naghintay sa pagdating ng mga artista bago sinimulan ang screening.

 

 

Kasama naman ni Bela sa screening ang kanyang bf na Briton.

 

 

Ano kaya ang comment ni Kim sa movie na dinirek ni Bela? Umalis na kasi sila ni Xian after the screening. Pero may maigsing presscon after the presscon kung saan overwhelmed si Bela sa mga papuri ng press sa kanyang unang movie as a director.

 

 

After watching 366, na-inspire kaya si Kim na gumawa ng movie? At feel kaya niya magpadirek kay Bela?

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PBBM, lumipad na patungong Washington para palakasin ang ugnayan hinggil sa food security, economy at energy

    LUMIPAD na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng LInggo, para isakaturapan ang kanyang misyon na magpanday ng mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos pagdating sa larangan  ng food security, digital economy, energy security, at climate change.  Sa kanyang departure speech sa  Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa […]

  • Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

    TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.     Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director […]

  • US Embassy sa Ukraine pansamantalang isasara

    INANUNSYO ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa.     Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing […]